Boobay nag-renew ng kontrata sa Beautederm; Thankful sa pagmamahal ni CEO Rhea Tan


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya ang komedyante at performer na si Boobay dahil muli siyang nag-renew ng kontrata bilang endorser at ambassador ng Beautederm.

Nakasama ni Boobay sa contract signing ang anak ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan na si Adam Kenneth Tan, ang batang-batang COO ng kumpanya.

Naka-bonding naman ni Boobay si Ms. Rhea nang bigyan siya nito ng free shopping sa A-List Avenue, isa pa sa mga negosyo ng Beautederm CEO, bilang bonus sa pagiging loyal ambassador. Sa A-List Avenue makakabili ng authentic at original signature at branded items gaya ng bags, wallets, shoes, clothes, at iba pa.

Ipinagmalaki nga ni Ms. Rhea sa social media post na simula pa noong 2016 ay Beautederm baby na niya si Boobay.

"Yung love mo sa akin... sabi ko nga, kahit hindi ako sikat sa industriya noon, nandun na si Boobay for me. To think na bago pa ako noon, nagpapakilala pa lang ako sa industry, nandoon na si Boobay na nagbigay ng suporta at tiwala sa akin. Hanggang ngayon na 2023 na magkasama pa rin kami. Lahat ng negosyo ko sinusuportahan niya," sabi ni Ms. Rhea sa ipinost niyang video nila ni Boobay sa social media.

Nagpasalamat naman si Boobay sa pagmamahal sa kanya ni Ms. Rhea at sa renewal ng kontrata niya. Pati na rin sa natanggap niyang mga regalo mula sa A-List Avenue.

"Sobrang happy ko, gusto kong sumigaw!" bulalas ni Boobay. "Gusto ko lang pasalamatan ka from the bottom of my heart kasi never ko talaga naisip o hinangad sa buhay ko na, 'baka hindi ko kaya yun na magkaroon ng ganun.' Pero kanina tinupad mo."

Sa isa pang video, isiniwalat naman ni Boobay ang paghanga at pagmamahal niya kay Ms. Rhea.

"Ang na-appreciate ko sa iyo kahit gaano na kalayo yung narating mo, you always remind me to always keep my feet on the ground. Ganun ka. Kaya naniniwala ako na talagang ibe-bless ka ni Lord pag ganun ka. Ikaw ang epitome of humbleness, yung pagiging humble mo. I love you, Manang!" ani Boobay.

Bukod sa pagiging endorser, suki rin si Boobay sa Beautederm mall shows at events dahil napakagaling niyang mag-host at mag-perform.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies