Beautederm CEO Rhea Tan honored na maging ninang sa kasal nina Arjo at Maine; Nakipag-rubbing elbows sa mga sikat sa showbiz at pulitika


ni GLEN P. SIBONGA

Honored ang Beautederm Group of Companies CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na naging bahagi siya ng principal sponsors at naging ninang sa kasal nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City noong Hulyo 28.

"Super happy ako napili po ko na ninang. Tapos nakita ko yung entourage super konti lang nilagay nila. Kaya kilig po ako na nasama ako sa list.

"Pag ninang di ba isa ka sa witnesses ng pagmamahalan nila. And you serve as the second parent na pwede nilang maasahan. Itinuturing ka nila na parte ng kanilang pamilya

"May significant role ang ninang and pag pinili ka nila as one of the principal spnsors meaning you made an impact sa buhay nila. Sobrang honored po. Nakakataba ng puso. Ramdam ko na parte ako ng pamilya nila," sabi sa amin ni Ms. Rhea nang maka-chat namin siya sa Messenger.

Totoo naman talagang kapamilya na ang turing kay Ms. Rhea ng pamilya ni Arjo. Simula pa lang nang maging Face of Beautederm ang nanay ni Arjo na si Ms. Sylvia Sanchez na sinundan din ng pagiging Beautederm ambassadors ni Arjo at kapatid niyang si Ria ay maganda na ang samahan nila na mas lumalim pa sa pagdaan ng mga taon.

At syempre happy rin si Ms. Rhea na nagiging close na rin siya kay Maine. Umaasa nga siya na mas maka-bonding pa niya ang mag-asawang Arjo at Maine.

Natutuwa rin si Ms. Rhea na naka-rubbing elbows niya sa kasal ang mga sikat na personalidad sa showbiz at pulitika.

Mismong ang Senate President pa na si Juan Miguel "Migz" Zubiri pa ang nakapareha ni Ms. Rhea sa entourage. Sa Facebook post nga ay nagpasalamat pa ang Beautederm lady boss sa senador, 

Ilan naman sa nakasama ni Ms. Rhea bilang mga ninang sina Diamond Star Maricel Soriano, ABS-CBN executive Cory Vidanes, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ilan pa sa celebrities na nakasama ni Ms. Rhea sa pictures ay ang mag-asawang sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, Lorna Tolentino, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Korina Sanchez, Kristine Hermosa, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Enchong Dee, Alla K, at marami pang iba. Pati na ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Deo Endrinal.

At syempre present din sa Arjo-Maine wedding ang susunod na ikakasal na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, kung saan magiging ninang din si Ms. Rhea. Nasa Bali, Indonesia na sila ngayon para sa kasalang Maja at Rambo.















Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies