Posts

Showing posts from July, 2023

Beautederm CEO Rhea Tan honored na maging ninang sa kasal nina Arjo at Maine; Nakipag-rubbing elbows sa mga sikat sa showbiz at pulitika

Image
ni GLEN P. SIBONGA Honored ang Beautederm Group of Companies CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na naging bahagi siya ng principal sponsors at naging ninang sa kasal nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City noong Hulyo 28. "Super happy ako napili po ko na ninang. Tapos nakita ko yung entourage super konti lang nilagay nila. Kaya kilig po ako na nasama ako sa list. "Pag ninang di ba isa ka sa witnesses ng pagmamahalan nila. And you serve as the second parent na pwede nilang maasahan. Itinuturing ka nila na parte ng kanilang pamilya "May significant role ang ninang and pag pinili ka nila as one of the principal spnsors meaning you made an impact sa buhay nila. Sobrang honored po. Nakakataba ng puso. Ramdam ko na parte ako ng pamilya nila," sabi sa amin ni Ms. Rhea nang maka-chat namin siya sa Messenger. Totoo naman talagang kapamilya na ang turing kay Ms. Rhea ng pamilya ni Arjo. Simula p

Ai Ai delas Alas at Quinn Carrillo bongga ang acting sa 'Litrato'; Pinaiyak mga nanood sa movie premiere

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpamalas ng kanilang husay sa pag-arte sina Ai Ai delas Alas at Quinn Carrillo sa pinagbibidahan nilang pelikulang "Litrato," na nagkaroon ng movie premiere nitong Biyernes, July 21, sa SM North The Block Cinema 3. Pinaiyak nga nila at ng buong cast ng 'Litrato" na kinabibilangan nina Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, at Weam Ahmed ang mga nanood sa movie premiere. Marami ang nagkomento na sa galing nina Ai Ai at Quinn sa pagganap bilang maglola sa pelikula ay deserve nilang ma-nominate para sa acting awards sa iba't ibang award-giving bodies.  Another award-winning performance nga ito para kay Ai Ai dahil malaking hamon para sa kanya ang pagganap bilang si Lola Edna, na iniwan sa home for the aged. Bitbit pa rin ni Ai Ai ang pagiging Comedy Queen niya dahil marami pa ring nakatutuwa at nakaaaliw siyang mga eksena. Pero lumabas din ang husay niya sa drama sa maraming eksena. Si Quinn naman kakapanalo lang bilang New Movie Act

Quinn Carrillo puno ng pasasalamat sa pagkapanalong New Movie Actress of the Year sa 38th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA Puno ng pasasalamat si Quinn Carrillo sa kanyang social media post matapos niyang manalong New Movie Actress of the Year sa 38th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap noong July 16 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Ayon kay Quinn sa kanyang Facebook post, hindi niya inaasahang manalo. Iyong ma-nominate pa lang at mapansin ang kanyang pag-arte sa pelikulang "Silab" ay masaya na siya. Kaya malaking bonus na nagwagi pa siya. Narito ang kabuuan ng FB post ni Quinn: "Unexpected.  "Di ko talaga inaasahan kasi masaya na ko na nominate ako. Bonus na lang yung pagkapanalo.  "Gusto kong pasalamatan una sa lahat si Direk Joel Lamangan, ang nagluwal sakin sa industriyang ito. Kung ano man ang alam ko sa pag arte, utang ko po iyon sainyo. Hindi lahat, nabibigyan ng chance na madirek niyo ❤️ mapalad ako na nakatrabaho ko po kayo sa ilang mga pelikula, at naging writer niyo pa ❤️🙏🙏🙏  "And also kay Direk Abdel at k

Pops Fernandez ilalahad ang love stories inspired by OPM hits sa 'For The Love' ng TV5

Image
ni GLEN P. SIBONGA Universal love language ang musika pagdating sa usaping puso dahil kahit sinuman ay nakaka-relate rito. Hindi maitatago ang  pagmamahal ng Pinoy sa musika, kaya inihahandog ng TV5 ang isang bagong programa na aantig sa mga puso ng mga manonood sa pamamagitan ng mga kuwentong inspired by OPM hits. Simula Hulyo 29, mapapanood na ang bagong romance drama anthology series na hosted by the Philippine Concert Queen, Ms. Pops Fernandez, at pagbibidahan ng ilan sa mga rising artist of this generation. Pinamagatang “For The Love” ang bagong weekly series ng TV5 na magbibigay-buhay sa mga relatable na kwento at heartwarming moments na magdadala sa viewers sa isang nostalgic journey through the classic and modern OPM love songs mula sa Viva Records. Ang “For The Love” ay magkakaroon ng 13 episodes na ididirek ng mga up and coming directors tulad nina JP Laxamana, Rod Marmol, Joel Ferrer at Dustin Celestino. Bawat episode ay pinagbibidahan ng iba’t-ibang love teams at mga rising

Charo Santos-Concio, Sunshine Dizon, Vince Tañada, 'Katips,' 'On The Job 2' nagwagi ng mga pangunahing parangal sa 38th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA Maningning at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang awards night. Kaya naman nakatutuwang pagmasdan ang pagrampa sa red carpet ng celebrities at guests suot ang kanilang magarbong barong at Filipiniana gowns sa pangunguna ng hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards - Claudine Barretto (Female Star of the Night), Sunshine Cruz (Face of the Night), Alfred Vargas (Darling of the Press), at Christian Bautista (Male Star of the Night). Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kanilang award gaya na lang ni Sunshine Dizon na itinanghal na Movie Actress of the Year para sa pelikulang "Versus." Naka-t

Boobay nag-renew ng kontrata sa Beautederm; Thankful sa pagmamahal ni CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya ang komedyante at performer na si Boobay dahil muli siyang nag-renew ng kontrata bilang endorser at ambassador ng Beautederm. Nakasama ni Boobay sa contract signing ang anak ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan na si Adam Kenneth Tan, ang batang-batang COO ng kumpanya. Naka-bonding naman ni Boobay si Ms. Rhea nang bigyan siya nito ng free shopping sa A-List Avenue, isa pa sa mga negosyo ng Beautederm CEO, bilang bonus sa pagiging loyal ambassador. Sa A-List Avenue makakabili ng authentic at original signature at branded items gaya ng bags, wallets, shoes, clothes, at iba pa. Ipinagmalaki nga ni Ms. Rhea sa social media post na simula pa noong 2016 ay Beautederm baby na niya si Boobay. "Yung love mo sa akin... sabi ko nga, kahit hindi ako sikat sa industriya noon, nandun na si Boobay for me. To think na bago pa ako noon, nagpapakilala pa lang ako sa industry, nandoon na si Boobay na nagbigay ng suporta at tiwala sa akin. Hanggang ngay

Quinn Carrillo nagpapasalamat sa New Movie Actress of the Year nomination sa 38th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA Lubos ang pasasalamat ni Quinn Carrillo na nominado  siya sa 38th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club Inc. (PMPC) bilang New Movie Actress  of the Year para sa pelikulang “Silab.” Gaganapin ang awards night ngayong Linggo, July 16,  sa Centennial Hall ng Manila Hotel.  Malayo na ang narating ni Quinn simula sa "Silab" dahil  nagbida na siya sa pelikulang "Biyak." Ngayon naman ay magpapakitang-gilas siya sa pelikulang "Litrato" kasama si Ai Ai delas Alas, na palabas na sa mga sinehan nationwide sa July 26. “Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor  na ma-nominate po.Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” sabi ni Quinn. Kung mananalo siya ihahandog  niya ang  kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.

Claudine, Sunshine, Alfred, Christian, The Company, Daryl, Marlo, at Martin pakikinangin ang 38th Star Awards for Movies sa July 16 sa Manila Hotel

Image
  ni GLEN P. SIBONGA   Handang-handa na ang The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa 38th Star Awards for Movies na gaganapin ngayong Linggo, July 16, 2023 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Magsisilbing hosts ng awards night ang bigating mga bituin na sina Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Quezon City Councilor Alfred Vargas, at Christian Bautista. Mas pakikinangin pa ang gabi ng parangal sa natatanging pagtatanghal na gagawin ng The Company, Daryl Ong, Marlo Mortel, at ng Concert King na si Martin Nievera. Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para sa paghahatid ng modern Filipiniana theme ng naturang awards night. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal. Ang awards night ay pamumunan ng kasalukuyang Pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman bilang overall chairman kasama ang 2023 PMPC officers at board of directors. Ang kasalukuyang Vice President na si Mell Navarro ang tumat

Dobleng pasabog ng ABS-CBN at TV5 na 'Pira-Pirasong Paraiso' at 'Nag-aapoy na Damdamin,' bubuhayin ang panonood sa hapon

Image
ni GLEN P. SIBONGA Hindi lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng natatanging kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin” na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 (Martes). Tampok sa inaabangang co-production venture ng ABS-CBN at TV5 ang mga sariwang kwento na may kinalaman sa sikreto ng pamilya, paghihiganti, at pagmamahal na tiyak na bibihag sa puso ng mga manonood. Susubukin ng masalimuot na nakaraan ang totoong pagkatao ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson sa drama seryeng “Pira-Pirasong Paraiso.” Iikot ang kwento nito sa mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana (Charlie) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila muli. Ngunit mananaig ang sakim at paghihiganti sa kanilang mga puso at m

Quinn Carrillo flattered sa mga papuri sa kanya nina Ai Ai delas Alas at Direk Louie Ignacio sa pelikulang 'Litrato'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Kinilig at aminadong flattered si Quinn Carrillo matapos niyang marinig ang mga papuri sa kanya nina Ai Ai delas Alas at Direk Louie Ignacio, na co-star at direktor niya sa pelikulang "Litrato" produced by 3:16 Media Network. Gumaganap sina Quinn at Ai Ai bilang maglola sa pelikula. Sabihan ba naman siya ng Comedy Queen na "magaling na bata," habang si Direk Louie naman ay sinabing "pinabilib ako ni Quinn at talagang nakipagsabayan siya kay Ai Ai." "Very happy po ako and very flattered," bulalas ni Quinn. "Hindi ko po ine-expect na sasabihin ni Ms. Ai at ni Direk Louie iyon sa akin. Kasi ako naman talaga ever since I got into the business, ginagawa ko po talaga lagi ang best ko. Gusto ko po kasi na ma-satisfy ang director ko sa vision niya sa character ko. Kaya po talagang we communicate kung ano gagawin ko." Nag-enjoy Quinn na katrabaho si Ai Ai at marami siyang natutunan dito. "Masaya po at saka challenging at