Pops Fernandez ilalahad ang love stories inspired by OPM hits sa 'For The Love' ng TV5
Universal love language ang musika pagdating sa usaping puso dahil kahit sinuman ay nakaka-relate rito. Hindi maitatago ang pagmamahal ng Pinoy sa musika, kaya inihahandog ng TV5 ang isang bagong programa na aantig sa mga puso ng mga manonood sa pamamagitan ng mga kuwentong inspired by OPM hits.
Simula Hulyo 29, mapapanood na ang bagong romance drama anthology series na hosted by the Philippine Concert Queen, Ms. Pops Fernandez, at pagbibidahan ng ilan sa mga rising artist of this generation. Pinamagatang “For The Love” ang bagong weekly series ng TV5 na magbibigay-buhay sa mga relatable na kwento at heartwarming moments na magdadala sa viewers sa isang nostalgic journey through the classic and modern OPM love songs mula sa Viva Records.
Ang “For The Love” ay magkakaroon ng 13 episodes na ididirek ng mga up and coming directors tulad nina JP Laxamana, Rod Marmol, Joel Ferrer at Dustin Celestino. Bawat episode ay pinagbibidahan ng iba’t-ibang love teams at mga rising artists, kabilang sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Krissha Valle, Wilbert Ross, Bea Binene, Gab Lagman, Aubrey Caraan, at Jairus Aquino.
Bukod sa pagiging host at narrator ng show, kakantahin ni Pops ang featured OPM love song ng bawat episode. Sa pamamagitan ng kanyang mahusay na pag-awit ay siguradong mas magiging tagos sa puso ang mga emosyon na mararamdaman ng mga manonood sa bawat episode ng “For the Love.”
Huwag palampasin ang muling pagbabalik ni Pops Fernandez sa telebisyon. Panoorin and premiere ng “For The Love” ngayong Hulyo 29 at tuwing Sabado, 3:20 pm sa TV5.
Para sa karagdagang impormasyon, behind-the-scenes, at updates, i-follow social media pages at channels ng TV5 at Viva Entertainment.
Comments
Post a Comment