Karla Estrada, Alex Calleja handa na sa hamon ng pagbabalik ng 'Face 2 Face' sa TV5


ni GLEN P. SIBONGA

Siguradong mabubusog sa intriga at kontrobersiya ang mga Marites ng Pilipinas dahil nagbabalik na ang isa sa pinakatinutukan at inabangang legacy shows ng TV5, ang "Face 2 Face," na ibabalik ang tinaguriang “barangay hall on air” simula May 1, 2023 sa TV5 at One PH, na available sa Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, at Cignal Play.

Dahil kasabayan ng "Face 2 Face" ang pagbabago ng panahon, bagong tandem ang matutunghayan sa pagbabalik ng viral na programa – sina Karla Estrada at Alex Calleja na ang matutunghayang hosts at mediators sa pagresolba ng mga problema ng kanilang mga bisita.

Handa ring tumulong ang Trio Tagapayo -- sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag para sa gabay ng clergy, Atty. Lorna Kapunan para sa legal advice, at Dr. Camille Garcia para sa pagbabahagi ng pananaw ng isang psychologist – para sa ikabubuti at ikaaayos ng mga problemang kanilang pagpapayuhan. Ang bagong "Face 2 Face" ay may bagong battlecry na “Isyu ay harapin, huwag palakihin” dahil sa paniniwala na ang lahat ng problema ay nadadaan sa magandang usapan. 

Ang motherly compassion ni Mama Karla at ang pagka-kwela ni Alex Calleja ang magbibigay ng bagong approach sa mga isyu sa pagbabalik ng tinaguriang “barangay hall on air.” Tunay ngang kaabang-abang ang bagong tandem na ito kung paano nila bibigyan ng aksyon ang mga away na kanilang haharapin sa "Face 2 Face."

Kaya ilabas na ang pagiging Marites at huwag magpahuli sa mga bagong kaganapan sa pagbabalik ng "Face 2 Face" sa May 1. Tumutok mula Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM sa TV5, at 8:00 PM sa One PH na available sa Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, at Cignal Play. Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa official social media pages ng TV5.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies