Posts

Showing posts from April, 2023

Lumantad na! Vicente Jao III - singer ng Rey Valera songs sa pelikulang 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagkaroon na ng mukha ang boses sa likod ng mga Rey Valera songs sa Summer Metro Manila Film Festival movie na "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) sa paglantad ng singer at RJA Productions talent na si Vicente Jao III. Ipinakilala nga si Vicente sa entertainment press at bloggers sa ginanap na special block screening ng naturang pelikula sponsored by RJA Productions sa The Screening Room ng Ortigas Cinemas sa Estancia Mall, Pasig City nitong Abril 27. Present din sa screening at sumuporta kay Vicente si RJA Productions CEO Rosabella Jao Arribas at RJA co-artists na sina Alisah Bonaobra, Julius Cawaling, at Jep Gabon. Nang makausap namin si Vicente, inamin niya ang kanyang naramdaman habang pinapanood ang pelikula at naririnig niya ang kanyang boses sa mga awiting nakapaloob dito. "Parang maiiyak na po ako kanina sa bawat pasok po ng kanta. Tapos yung mga eksena nakakaiyak din. Parang hindi pa rin po ako makapaniwala na ako yung kumanta r

Ellen Adarna, Sanya Lopez pinatingkad ang grand opening ng Shinagawa Diagnostic & Preventive Care Center

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pinatingkad ng pagdalo ng Shinagawa celebrity ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez ang grand opening at ribbon-cutting ceremony ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na ginanap nitong Abril 26 sa 8th Floor at 23rd Floor Ore Central Building, 31st Street corner 9th Avenue, BGC, Taguig City. Nakasama nina Ellen at Sanya sa ribbon-cutting ang top executives ng Shinagawa sa pangunguna nina President Masako Uemori at Chairman Koji Miyashita. Pinalawak pa ng Shinagawa Lasik & Aesthetics ang services nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center - ang first one-stop medical hub na nag-o-offer ng Japanese-standard health services na kinabibilangan ng full lineup of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings gaya ng brain exams (MRI/MRA), full body exams (CT scan), digestive scans (ultrasound and endoscopy), at women's exams (mammography and ultrasound). Ayon nga kay Shinagawa Philippines Pr

Ysabel Ortega nagpasalamat kay Beautederm CEO Rhea Tan sa 'Voltes V: Legacy' block screening

Image
ni GLEN P. SIBONGA Lubos ang pasasalamat ng Kapuso actress at Beautederm ambassador na si Ysabel Ortega kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan para sa pag-sponsor ng special block screening sa SM Telebastagan Cinema ng "Voltes V: Legacy" kung saan isa sa mga bida ang Sparkle GMA Artist Center talent. Ayon sa post ni Ysabel sa kanyang official Facebook account, "Last night, me and my @beautedermcorporation fam enjoyed Voltes V: Legacy The Cinematic Experience and I had so much fun!  "Thank you mommy Rei for the block screening and for the support! I love you mommy! ❤️❤️ thank you as well to my @beautedermcorporation family who came to support our project! ❤️" Nag-post din si Ms. Rhea sa FB ng papuri kay Ysabel at sa lahat ng bumubuo sa "Voltes V: Legacy" na mapapanood sa GMA-7. "Held a special block screening for #VoltesVLegacy star and #BEAUTéDERM ambassador Ysabel Ortega! Maria Ysabel Ortega  "We are so proud of you, anak Ysabel

Tiana Kocher nagpakitang-gilas sa grand presscon ng bago niyang single na 'Slow It Down'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpakitang-gilas ang Filipino-American RnB singer-songwriter na si Tiana Kocher sa grand presscon ng kanyang bagong single na "Slow It Down" na ginanap sa Delimondo Cafe sa Makati City nitong Abril 21. Bukod sa pag-awit ng kanyang latest single, pinabilib niya rin ang mga dumalong entertainment press pati na rin ang kanyang fans at supporters na Tianatics sa pagkanta niya ng iba pa niyang original songs gaya ng "Boy Bye" pati na rin ng cover niya ng "Lucky" ni Britney Spears kasama ang Sub Projekt Band. Ang galing ni Tiana, in fairness! Si Tiana na ipinanganak dito sa Pilipinas pero naka-base sa Amerika ay anak ng businesswoman na si Katrina Ponce Enrile at apo ni dating Senador Juan Ponce Enrile. Itinaon niya sa kanyang bakasyon dito sa Pilipinas ang pag-release niya ng "Slow It Down." Gusto niyang ipakita sa American market ang talento ng mga Pinoy.  “I’ve always been back and forth. It just so happened that I’m home now for

Direk Perci Intalan ikinararangal na ang pelikula niyang 'I Love You, Beksman' ang naging opening film sa QueerEast Filmfest sa London

Image
ni GLEN P. SIBONGA Malaking karangalan para kay Direk Perci Intalan na ang pelikula niyang 'Mahal Kita, Beksman' na may English title na "I Love You, Beksman" sa international film festivals ang naging opening film sa ginaganap na QueerEast Film Festival 2023 sa London. Ibinahagi ni Direk Perci ang kasiyahan niya sa kanyang social media accounts. Ayon nga sa kanyang Facebook at Instagram post, "Awesome night! Thank you @queereast festival and the fabulous @d.y.wang for opening your festival with our film I LOVE YOU, BEKSMAN! "Thanks to all who watched and laughed and went up to me after to say how much they enjoyed the film. Congrats @fatrick_tabada @christiaaan06 @ianabernardez @kimpster888 and all of Team Beksman!!! "Thanks to the very supportive @officialtimyap, javi and @stenefr for the videos and photos!" Tulad ng sabi ni Direk Perci sa kanyang FB at IG post, kabilang sa mga nanood at sumuporta sa QueerEast screening ng "I Love You, Beksm

Karla Estrada nagpapasalamat sa TV5 sa pagbubukas sa kanya ng pinto para maging host ng 'Face 2 Face'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpapasalamat si Karla Estrada sa TV5, Cignal at OnePH sa pagbubukas sa kanya ng pinto para muli siyang makabalik sa paghu-host sa pamamagitan ng pagbabalik sa ere ng isa sa legacy shows ng TV5 na "Face 2 Face" simula sa May 1. "Salamat sa TV5, Cignal, at OnePH sa pagkakataon. Sa more than 30 years ko sa industriya, first time ako nakapagtrabaho dito sa TV5. Kaya I'm very excited at mayroon pa ring isang pinto na nagbukas para sa akin. Itong pinto na ito ay pararamihin ko para mas marami pang makakapasok na matutulungan," sabi ni Karla sa mediacon ng "Face 2 Face." Inamin pa ni Karla na bagama't pinangarap niya talagang magkaroon ng ganitong show ay hindi siya makapaniwala noong unang ialok sa kanya ang maging bagong host ng "Face 2 Face" matapos ang mga naunang hosts noon ng programa - una ay si Amy Perez at sinundan ni Gelli de Belen. "Ito talaga yung pangarap kong show, yung may public service, may natutulungan

Karla Estrada, Alex Calleja handa na sa hamon ng pagbabalik ng 'Face 2 Face' sa TV5

Image
ni GLEN P. SIBONGA Siguradong mabubusog sa intriga at kontrobersiya ang mga Marites ng Pilipinas dahil nagbabalik na ang isa sa pinakatinutukan at inabangang legacy shows ng TV5, ang "Face 2 Face," na ibabalik ang tinaguriang “barangay hall on air” simula May 1, 2023 sa TV5 at One PH, na available sa Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, at Cignal Play. Dahil kasabayan ng "Face 2 Face" ang pagbabago ng panahon, bagong tandem ang matutunghayan sa pagbabalik ng viral na programa – sina Karla Estrada at Alex Calleja na ang matutunghayang hosts at mediators sa pagresolba ng mga problema ng kanilang mga bisita. Handa ring tumulong ang Trio Tagapayo -- sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag para sa gabay ng clergy, Atty. Lorna Kapunan para sa legal advice, at Dr. Camille Garcia para sa pagbabahagi ng pananaw ng isang psychologist – para sa ikabubuti at ikaaayos ng mga problemang kanilang pagpapayuhan. Ang bagong "Face 2 Face" ay may bagong battlecry na “Isyu ay harapin, huwag p

Beautederm CEO Rhea Anicoche-Tan nagbigay ng business tips sa young entrepreneurs sa Pampanga

Image
ni GLEN P. SIBONGA   Kakabit ng pangalan ni Rhea Anicoche-Tan ang pagtulong sa kapwa niya mga negosyante. Sa katunayan, nagbigay siya ng business tips sa exclusive group of business owners sa Pampanga, ang YEP (Young Entrepreneurs of Pampanga), noong Abril 13 sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.  “When you dream, make it big. And if you made it, extend a hand,” pagbabahagi ng Beautéderm CEO at President sa mga miyembro ng YEP na dumalo sa first-ever general membership meeting.  Dagdag pa ni Ms. Rhea, “Let your brand of success be a testament to God’s greatness and goodness.” Ikinuwento ng skincare executive ang kanyang journey—mula sa pagiging marketing director para sa isang appliance company hanggang sa makapagpatayo siya ng sarili niyang brand na ngayon ay tumutulong sa senior citizens, mga kababaihan, at nagbibigay ng scholarships sa students na kapos sa buhay. Beautederm, Ms. Rhea's very own brand, ay nagsilbi talagang instrumento sa pag-angat ng buhay ng ibang tao. Buk

Beauty Gonzalez thankful sa gandang nakamit sa BeauteHaus Clinic; Grateful kay Beautederm CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Thankful and feeling blessed si Beauty Gonzalez na maging Face of BeauteHaus dahil malaki ang naitulong sa kanya ng naturang clinic na bahagi ng Beautederm Group of Companies upang mas gumanda at maging radiant ang kanyang face at skin. “Blessed po ako to be a part of BeauteHaus because the clinic is helping me to age gracefully since I’m not getting any younger," sabi ni Beauty. Noong Martes, Abril 11, ay pumunta si Beauty sa BeauteHaus na matatagpuan sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga kung saan sumailalim siya sa Ulthera Treatment o Ultherapy -  a non-invasive treatment that uses ultrasound energy to lift and tighten skin. Ipinost pa ni Beauty sa kanyang social media accounts ang video ng pagsailalim niya sa Ulthera Treatment sa BeauteHaus. Aniya pa sa caption ng reel post ni Beauty, " We all need a little magic in our lives, A little extra push, a lift. That’s why my go to place when I need a little extra care is BeauteHaus .  "The

'About Us But Not About Us' humakot ng awards sa unang Summer MMFF; Direk Jun Lana, Romnick, Elijah tumanggap ng mga parangal

Image
ni GLEN P. SIBONGA Dinomina ng pelikulang "About Us But Not About Us" ang kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival awards night matapos nitong humakot ng sampung parangal sa major, technical, at special jury prize categories. Nangunguna sa awards na ito ang Best Picture para sa pelikulang ito na produced by The IdeaFirst Company, Octobertrain Films, and Quantum Films. Inuwi naman ni Direk Jun Robles Lana ang Best Director at Best Screenplay awards. Ang isa sa mga bida ng "About Us But Not About Us" na si Romnick Sarmenta ang itinanghal na Best Actor. Wish namin sana na mag-tie sina Romnick at Elijah Canlas sa parangal na ito. Hindi man ito natupad pero kinilala pa rin ang husay ni Elijah matapos igawad sa kanya ang Special Jury Prize. Kaya wagi pa rin ang dalawang aktor na kahanga-hanga sa pelikulang ito. Ang iba pang awards na nakuha ng "About Us But Not About Us" ay Best Cinematography (Neil Daza), Best Editing (Lawrence Ang), Best Sound (Armand d