Karla Estrada nagpapasalamat sa TV5 sa pagbubukas sa kanya ng pinto para maging host ng 'Face 2 Face'


ni GLEN P. SIBONGA

Nagpapasalamat si Karla Estrada sa TV5, Cignal at OnePH sa pagbubukas sa kanya ng pinto para muli siyang makabalik sa paghu-host sa pamamagitan ng pagbabalik sa ere ng isa sa legacy shows ng TV5 na "Face 2 Face" simula sa May 1.

"Salamat sa TV5, Cignal, at OnePH sa pagkakataon. Sa more than 30 years ko sa industriya, first time ako nakapagtrabaho dito sa TV5. Kaya I'm very excited at mayroon pa ring isang pinto na nagbukas para sa akin. Itong pinto na ito ay pararamihin ko para mas marami pang makakapasok na matutulungan," sabi ni Karla sa mediacon ng "Face 2 Face."

Inamin pa ni Karla na bagama't pinangarap niya talagang magkaroon ng ganitong show ay hindi siya makapaniwala noong unang ialok sa kanya ang maging bagong host ng "Face 2 Face" matapos ang mga naunang hosts noon ng programa - una ay si Amy Perez at sinundan ni Gelli de Belen.

"Ito talaga yung pangarap kong show, yung may public service, may natutulungan, may naa-advise-an. Pero hindi ko alam na ito pala yung ibibigay na show sa akin. Hindi man ito orihinal na nanggaling sa akin ang show na ito, sobra yung reaksyon ko noong i-offer sa akin, yung reaksyon ko ganito talaga, 'Talaga?!?' Tapos tumatawa ako ng dalawang oras. Tapos nae-excite ako, tapos natatakot ako. Ang dami ko talagang naramdamang emosyon noong in-offer sa akin ang 'Face to Face.'

"Kasi pinapanood ko e. Isa ito sa mga favorite naming panoorin noon. Tapos ngayon live na live nakikita ko, naririnig ko sa aming mga guest yung talagang problema at naa-absorb ko nang bonggang-bongga!" pahayag pa ni Karla.

Makakasama ni Karla bilang co-host sa "Face 2 Face" si Alex Calleja, na makakatulong niya sa pagresolba ng mga problema ng kanilang mga bisita.

Handa ring tumulong ang Trio Tagapayo -- sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag para sa gabay ng clergy, Atty. Lorna Kapunan para sa legal advice, at Dr. Camille Garcia para sa pagbabahagi ng pananaw ng isang psychologist – para sa ikabubuti at ikaaayos ng mga problemang kanilang pagpapayuhan. 

Ang motherly compassion ni Mama Karla at ang pagka-kwela ni Alex Calleja ang magbibigay ng bagong approach sa mga isyu sa pagbabalik ng tinaguriang “barangay hall on air.” Tunay ngang kaabang-abang ang bagong tandem na ito kung paano nila bibigyan ng aksyon ang mga away na kanilang haharapin sa "Face 2 Face."

Kaya ilabas na ang pagiging Marites at huwag magpahuli sa mga bagong kaganapan sa pagbabalik ng "Face 2 Face" sa May 1. Tumutok mula Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM sa TV5, at 8:00 PM sa One PH na available sa Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, at Cignal Play. Para sa mga karagdagang impormasyon, bumisita sa official social media pages ng TV5.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies