Tiana Kocher nagpakitang-gilas sa grand presscon ng bago niyang single na 'Slow It Down'


ni GLEN P. SIBONGA

Nagpakitang-gilas ang Filipino-American RnB singer-songwriter na si Tiana Kocher sa grand presscon ng kanyang bagong single na "Slow It Down" na ginanap sa Delimondo Cafe sa Makati City nitong Abril 21.

Bukod sa pag-awit ng kanyang latest single, pinabilib niya rin ang mga dumalong entertainment press pati na rin ang kanyang fans at supporters na Tianatics sa pagkanta niya ng iba pa niyang original songs gaya ng "Boy Bye" pati na rin ng cover niya ng "Lucky" ni Britney Spears kasama ang Sub Projekt Band. Ang galing ni Tiana, in fairness!

Si Tiana na ipinanganak dito sa Pilipinas pero naka-base sa Amerika ay anak ng businesswoman na si Katrina Ponce Enrile at apo ni dating Senador Juan Ponce Enrile.

Itinaon niya sa kanyang bakasyon dito sa Pilipinas ang pag-release niya ng "Slow It Down." Gusto niyang ipakita sa American market ang talento ng mga Pinoy. 

“I’ve always been back and forth. It just so happened that I’m home now for my single release. So I said, why not make it a big thing and show to the American market that there are competitors in the Philippines.That there’s a lot of talents that we could also show in the US and the Philippine market," sabi ni Tiana.

Maliit pa lang si Tiana ay hilig na niyang kumanta. Pero nagsimula ang kanyang music career nang i-upload ng kanyang mommy na si Katrina Ponce Enrile sa Facebook ang video niya habang kumakanta at nakiki-jam sa mga musikero sa beach. Napanood ito ng ilang producers sa LA at kaagad siyang pinag-record ng demos. And the rest is history, ika nga.

Nagpapasalamat nga si Tiana na bukod sa kanyang pamilya na very supportive sa kanya ay todo-suporta rin sa kanya ang Tianatics. Kaya naman hindi niya mapigilang maging emosyonal nang makita ang kanyang Pinoy fans at supporters na may hawak na placards at pictures niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon gusto ni Tiana na makapag-perform sa "ASAP Natin 'To" o sa "Eat Bulaga," ang mga show na napapanood niya.

Narito pa ang nakabibilib na mga detalye mula sa profile ni Tiana:

Tiana already has 6 million streams as an independent artist.

Her debut single release, Just My Type, hit the Top 40 Indie Chart followed by Paint the Town and Swing Batter, which appeared in the Ciroc commercial for the motion picture What Men Want!

Her record "U Tried It," released in October 2019, was produced by four-time GRAMMY nominee record producer RoccStar.

Tiana has collaborated with several GRAMMY award-winning recording artists including TLC, Faith Evans, Sage the Gemini, Aj McLean of the Backstreet Boys, Citizen Queen, Bobby V, ASAP Rocky and Latin artist J. Alvarez among others, as well as multiple award-winning songwriters in both mainstream pop and R&B.

Tiana has worked with several major US based brands like McDonalds on their new Golden Arch Cafe series, Ethika, Jaded Ldn, Pretty Little Thing, Nasty Gal, Pixi Beauty, Dossier and also LeBron James's media company Springhill.

Tiana recently graduated with a bachelor's degree in Music Business from the prestigious entertainment school Full Sail University 

She also has an associates degree in Musical Theatre from the Cambridge School of Visual and Performing Arts. 

She is a part of Grammy U as well as the National Society of Collegiate Scholars.

Tiana is a trained actress and has a bronze and silver Shakespeare award from the Royal Academy of Dramatic Art.

In April, 2020 Tiana teamed up with social media giant TikTok during COVID-19, to create a 30-day charity and community driven contest, where people would dance to her single 'Don't Trip!

The #DontTripChallenge, assembled to inspire change, opened in the Philippines and the US.

On completion, it raised over PHP158,500 for both the Philippine and American Red Cross, and generated over 12 million views, marking a staggering 'staying connected awareness and community campaign.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies