Direk Perci Intalan ikinararangal na ang pelikula niyang 'I Love You, Beksman' ang naging opening film sa QueerEast Filmfest sa London
ni GLEN P. SIBONGA
Malaking karangalan para kay Direk Perci Intalan na ang pelikula niyang 'Mahal Kita, Beksman' na may English title na "I Love You, Beksman" sa international film festivals ang naging opening film sa ginaganap na QueerEast Film Festival 2023 sa London.
Ibinahagi ni Direk Perci ang kasiyahan niya sa kanyang social media accounts.
Ayon nga sa kanyang Facebook at Instagram post, "Awesome night! Thank you @queereast festival and the fabulous @d.y.wang for opening your festival with our film I LOVE YOU, BEKSMAN!
"Thanks to all who watched and laughed and went up to me after to say how much they enjoyed the film. Congrats @fatrick_tabada @christiaaan06 @ianabernardez @kimpster888 and all of Team Beksman!!!
"Thanks to the very supportive @officialtimyap, javi and @stenefr for the videos and photos!"
Tulad ng sabi ni Direk Perci sa kanyang FB at IG post, kabilang sa mga nanood at sumuporta sa QueerEast screening ng "I Love You, Beksman" ang host at eventologist na si Tim Yap na masipag na kumuha ng pictures at videos sa event.
Nagpasalamat din si Direk Perci sa Festival Director ng QueerEast na si Yi Wang (@d.y.wang) sa pagbibigay ng international platform sa kanyang pelikula.
Ang "I Love You, Beksman" ay pinagbibidahan nina Christian Bables at Keempee de Leon kasama sina Iana Bernardez at Katya Santos.
Samantala, bukod sa "I Love You, Beksman" ipalalabas din sa QueerEast Filmfest ang isa pang The IdeaFirst Company produced movie na "About Us But Not About Us" na humakot ng 10 awards sa katatapos lang na Summer Metro Manila Fim Festival kabilang na ang Best Picture, Best Director at Best Screenplay para kay Direk Jun Robles Lana, Best Actor para kay Romnick Sarmenta, Special Jury Prize para kay Elijah Canlas, at awards sa technical categories.
Comments
Post a Comment