Shira Tweg malaking karangalan na gumanap na young Sharon Cuneta sa 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko'


ni GLEN P. SIBONGA

Malaking karangalan para sa baguhang young actress-singer na si Shira Tweg na handpicked siya para gumanap bilang young Sharon Cuneta sa pelikulang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)" na isa sa official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival sa Abril 8-18.

"I'm very honored po talaga. Super na-appreciate ko po talaga na ako yung napili," sabi ng 15-year old na si Shira sa amin sa Thanksgiving Party ng Saranggola Media Productions.

Nakasama ni Shira sa event ang award-winning actor na si John Arcilla, singer na si Christi Fider, at producer na si Edith Fider.

Inawit pa ni Shira sa event ang "Mr. DJ," ang first hit single ni Sharon. Ang naturang kanta ay composed by Rey Valera at ni-record ni Sharon noong 1978 na 12 years pa lang siya.

Ang "Mr. DJ" ay kinanta ni Shira sa "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," kung saan gumanap naman si RK Bagatsing bilang Rey Valera.

Wish nga ni Shira na ma-meet niya in person ang Megastar dahil isa rin ito sa kanyang mga idolo sa showbiz.

Directed by Joven Tan and produced by Saranggola Media Productions, ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)" ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Abril 8 bilang bahagi ng Summer MMFF.

(L-R) Ms. Edith Fider, Shira Tweg, 
John Arcilla & Christi Fider



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies