Buboy Villar, Jelai Andres, EA Guzman pinasaya ang mga tao sa Beautederm store opening sa Market! Market!


ni GLEN P. SIBONGA

Pinasaya ng Beautederm ambassadors na sina Buboy Villar, Jelai Andres at EA Guzman ang hindi magkamayaw at naghihiyawang fans at mallgoers sa ginanap na Beautederm store opening at meet and greet sa ground floor, Serendra wing ng Ayala Malls Market! Market! nitong Marso 8.

Sinamahan sina Buboy, Jelai at EA ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa ribbon-cutting upang pormal na buksan ang Beautederm kiosk sa Market! Market! Present din sa event ang manager ni Jelai na si Rams David.

Dapat sana ay meet and greet lang ang gagawin nina Buboy, Jelai, at EA, pero hindi nila natiis ang requests ng kanilang fans at mallgoers matapos sumigaw ng, "Sasayaw na yan!" Kaya naman nauwi na sa dance showdown ang paghataw nilang tatlo, na labis namang ikinasaya ng mga tao.

Pagkatapos ay namigay na sila ng Beautederm t-shirts at products sa mga tao.

Ang lahat naman ng mga bumili ng Beautederm products ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-selfie at magpakuha ng picture kasama sina Buboy, Jelai at EA.

Kung sina Buboy at Jelai ay maraming beses nang present at nagpe-perform sa Beautederm events at store openings, espesyal naman para kay EA ang kanyang kauna-unahang store opening at meet and greet.

Isang araw (Marso 7) bago ang Beautederm store opening sa Market! Market!, nauna munang humarap sina Buboy at EA sa presscon at launching nila bilang bagong ambassadors ng Beautederm kasama ang iba pang talents ng Sparkle GMA Artist Center na sina Ysabel Ortega, Thia Tomalla, at Patricia Tumulak.

Nag-renew din ng kanilang Beautederm contracts ang Sparkle artists na sina Ruru Madrid, Sanya Lopez, Rayver Cruz, at Cassy Legaspi.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies