Ria Atayde itinataguyod ang body positivity bilang White Castle Whisky 2023 Calendar Girl


ni GLEN P. SIBONGA


Minamarkahan ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.


Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na nakasuot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon, bahagi na si Ria Atayde ng prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.


Ginawa ng White Castle Whisky ang di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizens nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kauna-unahan nilang White Castle Boy. 


"We weren't looking to take ourselves too seriously at the time. Coming from the pandemic and working with our tagline 'Dapat Light Lang,' we decided that we should feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic," ayon kay Aaron James Limpe Aw, ang Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. "Gumawa ng content para sa amin si Ninong Ry kaya naman naisipan namin na suportahan ang mga sumusuporta sa amin."


Noong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at siya ang naging 2022 White Castle Calendar model na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang tagumpay para sa LGBT community. 


"Nung umpisa, hindi naman talaga naming ito intensyon and it was definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move," sabi ni Brandon Jon Limpe Aw, ang VP for Administration ng Destileria Limtuaco.


Ganunpaman, lumikha ito ng malakas na alingawngaw sa media at napagtanto ng brand madami pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. 


Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, "Ni-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming mga aktres at mga modelo. With that kind of clout, nag-desisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng aming kalendryo para mag-launch ng iba’t-ibang klaseng causes at advocacies.


"Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed unrealistic and not representative of the everyday female."


Ipinapakita ni Ria Atayde, na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay nasa kompinsya at pagiging komportable sa sarili. 


"Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi pwedeng ikahon ang kagandahan," sabi ni Ria. “Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body."


Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies