Mike Agassi target sumali sa freediving competitions

 


ni GLEN P. SIBONGA

Tutok ang atensyon ng Artist Circle talent na si Mike Agassi sa pagiging freediving instructor at paghasa ng kanyang freediving skills habang wala pa siyang regular show at projects sa showbiz lalo na nga't target niyang sumali ngayong taon sa freediving competitions.

Kabilang nga ang kanyang freediving activities sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon, ayon kay Mike nang makausap namin siya kamakailan at kumustahin ang pagpasok ng 2023 sa kanyang buhay at career.

"Hopefully, magkaroon ng regular shows. Pero right now I'm busy sa pag-travel din kasi I became a freediving instructor last year. So, basically travelling, tapos may side rakets ako like our businesses - mga for lease na properties, manpower agency," sabi ni Mike.

Ipinagmalaki nga ni Mike ang mabilis na pag-level up niya sa freediving na after 11 months ay umangat agad siya sa instructor level mula sa pagiging beginner.

At ang sikreto niya, "Kasi passion ko talaga e."

Ngayon nga ay nasa Dubai si Mike para ma-experience ang mag-freedive sa tinaguriang World's Deepest Pool. "This January 25 to 30 I'll be in Dubai. I'll dedicate two days doon sa Deep Dive Dubai para ma-experience ko yung mag-freedive indoor."

Natanong tuloy namin kung balak ba niyang sumali sa freediving competitions?

"I was supposed to compete kaso nagkaroon ako ng taping so hindi natuloy. Yes target ko pa ring mag-compete pero siguro by the last quarter of this year na kasi kailangan ko ng three to four months of training e," paliwanag ni Mike.

Kaya ngayon sa pagtuturo muna siya naka-focus. "So, teaching muna now and certifying people. Teaching sa ibang bansa rin kasi merong nagtu-tour na grupo ng freedivers, so yun pag kailangan nila ng instructor... like this year sa March, merong Deep Dive Coron sa Palawan. So, may mga international freedivers na pupunta rito sa Pilipinas just to freedive."

May celebrities na ring naturuan ng freediving si Mike gaya na lang ng real-life celebrity couple na sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes, na nagsasanay na ng freediving para sa kanyang role sa gagawin niyang "Dyesebel" project.

For freediving inquiries and booking appointments, maaari niyong i-message si Mike sa kanyang Instagram account - @michaelagassi at sa kanyang Facebook page - Freedive with AquaMike Michael Agassi.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies