Jed, Jona, Poppert sasamahan si Regine Velasquez sa pagbibigay kasiyahan sa Gabay Guro Grand Gathering 2025
ni GLEN P. SIBONGA
MALAKING karangalan para kina Jed Madela, Jona, at Poppert Bernadas na napabilang sila sa mga magpe-perform at magbibigay kasiyahan sa gaganaping Gabay Guro Grand Gathering sa October 25, 2025 sa Meralco Theatre. Sasamahan nila ang iba pang celebrity volunteers na pangungunahan ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Nagkakaisa sina Jed, Jona, at Poppert sa pagsasabing deserve ng ating mga masisipag at mabubuting guro na mabigyan ng tribute at pasasalamat na 18 years nang ginagawa ng Gabay Guro sa pamamagitan ng taunang Grand Gathering bukod sa regional at provincial shows at activities na isinasagawa nila. Kasama na rin ang ibinibigay ng Gabay Guro na scholarships, livelihood programs, digital training, at community support.
Pangungunahan ang tribute at selebrasyon ngayong taon ni Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla, na tumatayo ring mWell President and CEO at Chief Finance, Risk and Sustainability Officer of Metro Pacific Investments Corporation.
Ayon kay Ms. Chaye, "This year's Grand Gathering is more than a show - it's a love letter to our teachers. Through music, laughter, and celebration, we want them to feel how deeply the nation values their sacrifices and passion. Every performance and every song is a tribute to their unwavering spirit.
"We want our teachers to laugh, sing, and dance with their favorite stars because they deserve a celebration that mirrors the joy and dedication they bring to every Filipino classrooms. This is our way of saying thank you - with music, fun, and heartfelt appreciation."
Bago ang main program, magkakaroon ng pre-show tampok ang mga host ngTV5 show na Vibe kasama ang TML Crew.
Sisimulan naman ni Teacher Georcelle kasama ang G-Force ang main show sa pamamagitan ng bonggang production number.
Makakasama rin nina Regine, Jed, Jona, at Poppert para pasayahin ang mga guro sina Erik Santos, Jamie Rivera, Drag Race Philippines Season 1 winner Precious Paula Nicole, at marami pang surprise guests.
Magsisilbi namang hosts ng programa sina MJ Lastimosa at Dylan Menor.
Kaabang-abang din ang special raffle draw kung saan ang mga gurong nagparehistro sa event - manonood man ng live sa Meralco Theatre sa October 25 o via sa livestream sa Gabay Guro Facebook page at YouTube channel - ay may pagkakataong manalo ng bonggang mga papremyo na kinabibilangan ng cash prizes na aabot sa kabuuang P1 milyon, gift certificates, Cignal entertainment packages, at grand prize na brand new Cherry Tiggo Touring.
Ang Gabay Guro Grand Gathering 2025, na may banner theme na "Our Teachers: Heroes of Learning, Builders of Tomorrow," ay suportado ng PLDT-Smart Foundation and Metro Pacific Investments Corporation in partnership with PLDT Home, Smart, PLDT Manager's Club, mWell, and Department of Education.
Comments
Post a Comment