VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch
ni GLEN P. SIBONGA
PUNO ng pasasalamat ang bagong PPop girl group na VVINK sa malaking tagumpay ng kanilang Debut Showcase at Media Launch kasama na ang launching ng debut single nilang "Tulala" na ginanap sa Club Hype sa Quezon City nitong Huwebes, July 10.
Masayang-masaya ang mga miyembro ng VVINK na sina Angelika (leader), Jean (main vocalist), Ayaka (main rapper), Odri (main dancer), at Mariel (all-rounder) at nagpapasalamat sila sa lahat ng mga dumalo at sumuporta sa espesyal na event na ito sa kanilang career.
Kaya naman nagpapasalamat sila sa FlipMusic Productions, na humahawak sa kanilang career, sa pangunguna nina CEO Jeli Mateo at Head Producer Jumbo "Bojam" De Belen sa ibinigay sa kanilang tiwala at tulong upang makamit ang tagumpay na ito, na itinuturing nilang "second chance" sa kanilang career. Lahat kasi sila ay sumabak na sa iba't ibang singing contests at talent reality competitions ngunit hindi pa dumating ang big break. Ilan rin sa kanila ay napasali na sa ibang girl groups pero ngayon lang sila talaga sumakses.
Nagpapasalamat din sila sa Panginoong Diyos sa pagbibigay sa kanila ng talento at determinasyon na ipagpatuloy ang pag-abot sa kanilang pangarap. Sa kanilang mga pamilya na kanilang inspirasyon at nagbibigay ng pagmamahal at lakas ng loob sa kanila.
Syempre thankful sila sa kanilang dumaraming fans at supporters na tinatawag nilang VVINKies, na dumagsa sa Club Hype para masaksihan ang debut nila at i-cheer ang kanilang idol group.
Nagpapasalamat din ang VVINKS sa kanilang mga kapatid sa PPop na pumunta para suportahan sila katulad na lang ng Calista, 1621BC, at iba pang rising PPop groups.
Kaya naman inspirado ang VVINKS na mag-perform.at tumodo sa paghataw. Bonggang-bongga ang ginawa nilang pagpapasikat at pagpapakitang-gilas lalo na sa kanilang debut single na "Tulala."
Nakakabilib pa sa mga miyembro ng VVINKS na lahat sila ay kumakanta at nagpa-sample pa ng solo single ng bawat isa.
May patikim din sila sa susunod nilang single na "Tatlong Hiling." Kaabang-abang ang iba pa nilang mga awitin na natapos na rin nilang i-record.
Kaya naman tsek na tsek talaga ang VVINKS pagdating sa talento, ganda, galing, pati na rin sa sweetness na ipinamalas nila sa pakikiharap sa lahat lalo na sa VVINKies.
Syempre hindi nila nakalimutang pasalamatan ang lahat ng kanilang partners at sponsors sa Debut Showcase nila na kinabibilangan ng Dermclinic, Health Fusion, Jesi Mendez Salon Robinsons Galleria, Novodental, Centro Holistico, Uncle Moe's Shawarma Hub, World Balance, Greenwich, HIM Studio, Imagemax, Nitro 7, Vamos, Trining's Kitchen Stories, Lovelife Manila, and ticket2me. net.
Congratulations and goodluck, VVINK!
& Head Producer Bojam De Belen
Comments
Post a Comment