Cong. Arjo Atayde pinabulaanan ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa flood control kickback

ni GLEN P. SIBONGA


MARIING pinabulaanan ni Congressman Arjo Atayde ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa mga politiko at Department of Public Works and Highways (DPWH) employees, na binanggit ng controversial contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II, na umano'y nag-solicit ng pera o tumanggap ng kickback mula sa kanyang kumpanya galing sa mga maanomalyang flood control projects.

Umalma ang actor-politician, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Quezon City District 1 Representative, na isinama siya sa mga pinangalanan ni Curlee Discaya, mister ni Cezarah “Sarah” Discaya, sa Senate Blue Ribbon panel’s third hearing kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Arjo, hindi siya nakinabang sa sinumang contractor sa umano'y kickback sa maanomalyang flood control projects.

Narito ang naging pahayag ni Arjo sa kanyang Instagram story: “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.

“I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods."


Comments

Popular posts from this blog

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa