Puksaan Finale ng "Beauty Empire" inaabangan na!
ni GLEN P. SIBONGA
NABUBUNYAG na ang mga sikreto mula sa nakaraan sa "Beauty Empire," kaya walang dapat palampasin ang viewers dahil simula na ng makapigil-hiningang tagpo sa huling tatlong linggo at inaabangang Puksaan Finale ng naturang revenge drama series mula sa GMA Network, Viu Philippines, at CreaZion Studios.
Sa pagkakalantad ng itinatagong madilim na lihim ni Eddie (Sid Lucero), lalong luminaw ang plano ni Noreen (Barbie Forteza) para mapabagsak siya. Kakailanganin niya ang tulong nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara) para maisakatuparan ang kanyang plano.
Bagaman puno ng panganib, hindi pwedeng pumalya ang plano ni Noreen. Isang pagkakamali, buhay ang magiging kapalit. Magtatagumpay ba si Noreen, o hudyat ba ito ng mas matinding giyera kay Eddie?
Simula sa pilot week nito, patuloy na tinututukan ng manonood ang "Beauty Empire." Number 1 series ito sa Viu Philippines sa magkakasunod na linggo at nananatili rin itong number 1 TV series sa timeslot nito.
Ramdam na nga ng fans ang FOMO (Fear of Missing Out) habang tumitindi ang takbo ng kuwento, kaya't nagpapahayag sila ng kanilang pananabik sa mga tumitinding eksena sa "Beauty Empire."
"Ang gagaling nila.. ka-excite malaman ano mangyayari kay Eddie 'pag nagsanib-pwersa man yung tatlo."
"Babagsak ka na, Eddie Imperial! 'Yung mga artistang magagaling pinagsama-sama. Grabe 'yong revelations 💪💪💪"
"Paganda nang paganda ang story, sana makamit nila ang katarungan."
Tampok din sa serye sina Sam Concepcion bilang Migoy, ang Korean actor at K-pop star na si Choi Bo-Min bilang Alex, Chai Fonacier bilang Kriselda, at si Ms. Gloria Diaz bilang Clara.
Mula sa obra ni award-winning filmmaker na si Real Florido at seasoned screenwriter na si Rona Co ng CreaZion Studios Creatives, ang serye ay sa ilalim ng direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz.
Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng "Beauty Empire" sa GMA Prime, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. Mapapanood din ito ng Global Pinoys via GMA Pinoy TV. Maaari ding i-stream ang "Beauty Empire" sa Viu.
Comments
Post a Comment