Posts

Showing posts from March, 2023

La Union Governor Rafy Ortega-David proud maging Beautederm ambassador; Bilib sa adbokasiya ni CEO Rhea Tan

Image
ni GLEN P. SIBONGA Proud si La Union Governor Raphaelle "Rafy" Veronica Ortega-David na kabilang siya sa Beautederm local ambassadors ng probinsiya na inilunsad kamakailan sa media conference na ginanap sa Thunderbird Resorts and Casinos. Bilib din si Gov. Rafy sa adbokasiyang isinusulong ng Beautederm at ng CEO nito na si Rhea Anicoche-Tan. Ayon nga sa Facebook post ni Gov. Rafy, "Feel beautiful, inside and out! ✨ "Few days ago, we attended the Beautéderm Media Conference as one of their official brand ambassadors. Tama, brand ambassador na po tayo! "What I love about Beautederm is their advocacies lalong-lalo na noong nalaman ko na they have scholarship programs. I admire the vision of their CEO Rei Anicoche Tan na she's using her business to help other people.  "As your Governor, we'll continue to explore possible partnerships with the private sectors so we can do more projects to better the lives of our Kaprobinsiaan here in La Union. 💜"

Businesswoman Rhea Tan, bagong local endorsers magkatuwang sa adbokasiya ng Beautéderm sa La Union

Image
ni GLEN P. SIBONGA Patuloy na itinataguyod ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche-Tan ang kanyang adbokasiya na malapit sa puso niya sa loob ng halos 15 years niyang pamamayagpag sa skincare industry. "It isnt just about what you accomplish in life. Its about the number of hearts and lives youve touched," sabi ni Ms. Rhea. Padami nang padami rin ang nagiging mga katuwang ni Ms. Rhea para isulong ang kanyang adbokasiya. Bukod sa celebrity ambassadors ay kumukuha rin siya ng local ambassadors katulad ng mga kilala at bigating personalidad mula sa Pampanga.   Ngayong buwan, ipinakilala naman ng power woman ng Beautéderm ang bagong local endorsers at partners galing sa La Union para i-push ang advocacies para sa single mothers, senior citizens, at underprivileged children.   "Beautéderm is dedicated to serving people through giving programs for strong and inspiring women, single mothers, scholarships for underprivileged children, and providing quality assistance

'About Us But Not About Us' mapapanood na sa Summer MMFF, byaheng London pa sa Queer East Festival

Image
ni GLEN P. SIBONGA Inanunsyo sa social media ng The IdeaFirst Company, producer ng "About Us But Not About Us," na pagkatapos ng nationwide screening sa Pilipinas ng naturang pelikula sa Abril 8-18 bilang isa sa official entries sa Summer Metro Manila Film Festival, susunod naman itong bibyahe sa London para sa Queer East Festival sa April 29. Napakaganda nga ng description ng "About Us But Not About Us" na nakalathala sa website ng international filmfest na queereast.org.uk, "In this experimental mystery-drama from the Philippines, literature student Lance has dinner with his university professor Eric, who is gay and coming to terms with the recent death of his partner. Their trip to a restaurant in Manila begins innocuously enough, with the enthusiastic Lance gratefully acknowledging his mentor’s help and encouragement.  "But as disturbing revelations about the past begin to emerge, the encounter evolves into a venomous battle of wills. Romnick Sarmenta

RK Bagatsing excited sa Summer MMFF; Na-intimidate nang makaharap si Rey Valera

Image
ni GLEN P. SIBONGA Excited na si RK Bagatsing sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na magaganap sa Abril 8-18 dahil ang pinagbibidahan niyang pelikulang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)" ay kabilang sa official entries ng filmfest. Idagdag pa na ito ang una niyang MMFF entry. "Sobrang excited kasi matagal ko na ring pangarap magkaroon ng pelikula sa Metro Manila Film Festival pero di ko pa naaabot yun. So, this is also a first for me. Kaya nung nalaman ko na kasama kami sa lineup sabi ko kaagad, 'Uy, makakasakay na ako sa float!'" natatawang pahayag ni RK. Gumaganap si RK sa "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" bilang ang OPM Living Legend na si Rey Valera. Ikinuwento nga ni RK sa amin na na-intimidate siya sa music icon nang makaharap na niya ito. "May private screening kami, nandun siya. Para sa kanya talaga yung private screening na yun, pero syempre kailangan na rin naming magkita. Coming in hindi ko maitago

Shira Tweg malaking karangalan na gumanap na young Sharon Cuneta sa 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Malaking karangalan para sa baguhang young actress-singer na si Shira Tweg na handpicked siya para gumanap bilang young Sharon Cuneta sa pelikulang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)" na isa sa official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival sa Abril 8-18. "I'm very honored po talaga. Super na-appreciate ko po talaga na ako yung napili," sabi ng 15-year old na si Shira sa amin sa Thanksgiving Party ng Saranggola Media Productions. Nakasama ni Shira sa event ang award-winning actor na si John Arcilla, singer na si Christi Fider, at producer na si Edith Fider. Inawit pa ni Shira sa event ang "Mr. DJ," ang first hit single ni Sharon. Ang naturang kanta ay composed by Rey Valera at ni-record ni Sharon noong 1978 na 12 years pa lang siya. Ang "Mr. DJ" ay kinanta ni Shira sa "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," kung saan gumanap naman si RK Bagatsing bilang Rey Valera. Wish nga ni Shi

Direk Jun Lana bumilib kina Romnick, Elijah sa 'About Us But Not About Us': 'They gave me so many magical moments during the shoot!'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Puno ng papuri at bumilib si Direk Jun Robles Lana sa ipinakitang husay sa pagganap nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas sa pelikulang "About Us But Not About Us," na isa sa official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival sa Abril. "I have two great actors. They gave me so many magical moments during the shoot. Yung mga galing sa kanila, kailan magpu-pause, kailan luluha. Lahat ng ibinigay nila sa akin na-capture ko. It's really a collaboration. And you know, kahit anong gawin kong preparation bilang direktor, kung hindi magaling yung mga artista ko, hindi tatayo yung pelikula. I'm just truly grateful that I was working with two brilliant actors," papuri ni Direk Jun kina Romnick at Elijah. Kung si Elijah ay maraming beses nang nakatrabaho ni Direk Jun bilang direktor at producer sa mga proyekto ng The IdeaFirst Company gaya na lang sa award-winning movie na "Kalel, 15," kung saan nanalo ring Best Actor si E

Beautederm CEO Rhea Tan pinapahalagahan ang limang taong partnership sa Sparkle GMA Artist Center

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pinapahalagahan ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan ang limang taong partnership ng kanyang kumpanya sa Sparkle GMA Artist Center. Kaya naman sa ginanap na presscon kamakailan sa Luxent Hotel pinasasalamatan ni Ms. Rhea ang kontribusyon ng Sparkle at talents nito sa Beautederm Corporation. Sa presscon, present ang Sparkle talents at Beautederm endorsers na sina Cassy Legaspi, Ruru Madrid, Rayver Cruz, at Sanya Lopez na nag-renew ng kontrata. Hindi naman nakadalo si Bianca Umali.   “I value my partnership with Sparkle GMA Artist Center. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists—Ruru, Rayver, Cassy, Bianca, Sanya—who put us on the map. They represent the brand well through their efforts, talents, and beauty inside and out,” sabi ni Ms. Rhea.    Ipinakilala rin ang limang bagong endorsers ng Beautederm na galing din sa Sparkle na kinabibilangan nina Patricia Tumulak, Buboy Villar, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, at EA

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Image
ni GLEN P. SIBONGA Mapapakinggan na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5. Ginanap sa Quezon Memorial Circle nitong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng kanilang news, information, at entertainment programs. May bagong logo na, may bagong tagline pa na “Dito tayo sa totoo!” talagang handa nang maghatid ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ng fresh at dynamic na pakikinig para sa lahat ng kanilang listeners. Nakalagay sa kanilang logo ang salitang TRUE, kung saan ang bawat letra nito ay sumisimbolo sa kanilang mga prinsipyo sa pagbabalita at paglilingkod sa publiko.  Ang T ay para sa Truth in journalism na hatid ng kanilang radio programs na "Bangon Bayan with Mon" ni Mon Gualvez, "Ted Failon & DJ Chacha," "Frontline Pilipinas," at ang flagship news program para sa local at provincial n

Buboy Villar, Jelai Andres, EA Guzman pinasaya ang mga tao sa Beautederm store opening sa Market! Market!

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pinasaya ng Beautederm ambassadors na sina Buboy Villar, Jelai Andres at EA Guzman ang hindi magkamayaw at naghihiyawang fans at mallgoers sa ginanap na Beautederm store opening at meet and greet sa ground floor, Serendra wing ng Ayala Malls Market! Market! nitong Marso 8. Sinamahan sina Buboy, Jelai at EA ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa ribbon-cutting upang pormal na buksan ang Beautederm kiosk sa Market! Market! Present din sa event ang manager ni Jelai na si Rams David. Dapat sana ay meet and greet lang ang gagawin nina Buboy, Jelai, at EA, pero hindi nila natiis ang requests ng kanilang fans at mallgoers matapos sumigaw ng, "Sasayaw na yan!" Kaya naman nauwi na sa dance showdown ang paghataw nilang tatlo, na labis namang ikinasaya ng mga tao. Pagkatapos ay namigay na sila ng Beautederm t-shirts at products sa mga tao. Ang lahat naman ng mga bumili ng Beautederm products ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-selfie at magpakuh