Businesswoman Rhea Tan, bagong local endorsers magkatuwang sa adbokasiya ng Beautéderm sa La Union
ni GLEN P. SIBONGA
Patuloy na itinataguyod ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche-Tan ang kanyang adbokasiya na malapit sa puso niya sa loob ng halos 15 years niyang pamamayagpag sa skincare industry.
"It isnt just about what you accomplish in life. Its about the number of hearts and lives youve touched," sabi ni Ms. Rhea.
Padami nang padami rin ang nagiging mga katuwang ni Ms. Rhea para isulong ang kanyang adbokasiya. Bukod sa celebrity ambassadors ay kumukuha rin siya ng local ambassadors katulad ng mga kilala at bigating personalidad mula sa Pampanga.
Ngayong buwan, ipinakilala naman ng power woman ng Beautéderm ang bagong local endorsers at partners galing sa La Union para i-push ang advocacies para sa single mothers, senior citizens, at underprivileged children.
"Beautéderm is dedicated to serving people through giving programs for strong and inspiring women, single mothers, scholarships for underprivileged children, and providing quality assistance to the elderly," ani Ms. Rhea.
Ang local ambassadors mula sa La Union ay kinabibilangan nina Governor Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David, Congressman Francisco Paolo "PAOwer" Ortega V, Councilor Lucia Esperanza Valero, Dr. Angelica Maranan-Maglanoc, Atty. Myra-Diwata Rivera-Caroy, Althea Mavis Salazar, John Kirby Savellano, Tom Tuason, Erven Jay Silverie, Lovelia Ollero, Ozzy Gallardo, Divina Marie Villanueva, Nick Ordinario, Benito Nerida, at Anjali Camacho Pardeep Kumar na magiging partners ng Beautéderm sa kanilang adhikain.
"These trailblazers have established their names in their community and they have already gained the trust of their kababayans. This gift enables them to easily capture the hearts of more local consumers and let them know about Beautéderm and its advocacies," pahayag ng Beautéderm CEO.
Dagdag pa niya, "Were honored and blessed that public figures like Gov. Rafy Ortega-David and Coun. Lucia Esperanza Valero gave their full trust and support."
Bago pa sila nakuhang endorsers ay avid users na sila ng Beautéderm at malaki ang kanilang tiwala sa brand at mga adbokasiya nito. Ngayon, mas lalong mapalalakas at maisasakatuparan ang charity works ng brand kasama ang La Union endorsers.
Dahil sa solid business group at star-studded na ambassadors, nananatiling market leader ang Beautéderm. Ang bagong signature skincare set, Blanc Set, ay patuloy na nakatatanggap nang positibong reviews mula sa consumers.
"We take pride in bringing out high-quality, FDA-approved products that really deliver results," pagmamalaki pa ni Ms. Rhea.
Samantala, ipinakilala rin bilang bagong endorsers sina Board Member Francisco Arturo Ranches III, Dr. Camille Tolentino, Atty. Jenny Marie Tenorio, Tricia Anne N. Singson, Atty. Jie-Yannah Maryl G. Singson, Jester Singson, at Christienne Aldrine Z. Viloria mula Ilocos.
Ang Beautederm celebrity ambassadors na sina Ysabel Ortega (cousin of La Union Gov), Kakai Bautista, at EA Guzman ay present sa La Union media conference na ginanap kamakailan sa Thunderbird Resorts & Casinos
Visit Beautéderm store at Robinsons La Union, 3rd floor. Follow Beautéderm on Instagram @beautedermcorporation, @beautedermcorp on Twitter, and @beautedermcoporation on TikTok; like Beautéderm on Facebook; and subscribe to Beautéderm TV on YouTube.
Beautederm CEO Rhea Anicoche-Tan with Beautederm celebrity ambassadors EA Guzman, Kakai Bautista, and Ysabel Ortega along with La Union local endorsers
Ms. Rhea Tan with La Union Governor Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David
Ysabel Ortega with Councilor Lucia Esperanza Valero
& Governor Rafy Ortega-David
Congressman Francisco Paolo
"PAOwer" Ortega V
Comments
Post a Comment