"Born to Be Wild" level up sa paggamit ng AI technology

ni GLEN P. SIBONGA LEVEL UP na ang " Born to Be Wild " dahil ngayong Hulyo handog ng naturang award-winning Kapuso program ang isang bagong format upang magdala ng mas marami pang kuwento habang patuloy nitong isinusulong ang misyon para sa wildlife conservation, environmental education, at advocacy. Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng programa ang paggamit ng AI technology upang mas mailapit ang mga manonood sa mga extinct at bihirang makitang species — marami sa mga ito ay nadokumento na ng "Born to Be Wild" sa nakalipas na 17 taon. Handog ng "Born to Be Wild" ang isang month-long expedition sa wildlife tampok ang kabundukan ng Benguet at isla ng Southern Palawan. Ngayong Linggo (July 7), bibiyahe naman si Doc Ferds Recio sa Benguet, kung saan susuriin niya ang masalimuot na mundo ng mga silkworm at native bees—mga nilalang na nanganganib ang kaligtasan dahil sa mga industriyal na gawain at pagkasira ng kapaligiran. Sa Palawan, makikipagsapalaran...