75 trainees ng "Be the NEXT: 9 Dreamers" makikilala at makikilatis na simula ngayong Pebrero 8

ni GLEN P. SIBONGA


NAGKAROON na ng mukha ang mapalad na 75 trainees ng "Be the NEXT: 9 Dreamers" nang i-reveal na ang kanilang profile photos sa social media, pero mas makikilala at mas makikilatis na sila simula ngayong Pebrero 8 sa pilot episode ng naturang inaabangang talent survival show ng TV5 at MLD Entertainment PH, hosted by K-pop icon 2NE1’s Sandara Park

Ang 75 trainees ay hindi lang galing sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa gaya sa South Korea, Japan, Thailand, Myanmar, Canada, USA at iba pa. Mula sa 75 trainees na ito ay pipiliin at sasalain ang susunod na global boygroup na bubuoin ng 9 members.

Haharap na sa Level Test ang 75 trainees sa mentors na kinabibilangan nina AB6IX’s Park Woojin, Bang Ye-dam, HORI7ON’s Vinci, Hyebin (formerly of MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee, and acclaimed producer Bullseye

Kabilang ako sa maswerteng entertainment press at bloggers na unang nakakita sa 75 trainees sa launching ng show kamakailan. Doon pa lang ay nakita ko na ang ilan na may malaking potensyal based sa kanilang looks at charm. Siyempre mahalaga rin ang talento at kung sino ang mag-standout sa mga test, kaya susubaybayan ko ang "Be the NEXT: 9 Dreamers."

Sundan ang journey ng next global idols simula February 8, 7PM (Saturday) at February 9, 7:30PM (Sunday) sa Weekend Trip ng TV5! Kung ma-miss mo man, may weekend catch-up din, 3:30PM, sa Hapon Champion ng TV5!

Para sa updates sundan lang official Facebook at Instagram accounts ng "Be the NEXT: 9 Dreamers" at sa TV5 social media.
















Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies