Magic Voyz muling hahataw sa Viva Cafe sa Nobyembre 29

ni GLEN P. SIBONGA


MATAPOS ang matagumpay na launch na sinundan pa ng bonggang show, muling hahataw ang bagong all-male group na Magic Voyz sa Viva Cafe sa Nobyembre 29.

Handang-handa ang Magic Voyz na muling mambighani ng mga manonood sa kanilang angking kakisigan at kaguwapuhan pati na rin para ipamalas ang kanilang talento sa pagpe-perform.

Special guests sa Magic Voyz show sina Mariane Saint, Krista Miller, Meggan Marie, Yda Manzano, Ram Castillo, Jo & Dholynotes.

Ang Magic Voyz ay binubuo ng walong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz, at Johan Shane.

Mayroon na silang dalawang singles na nai-release - "Wag Mo Akong Titigan" at "Bintana."

Mina-manage ang Magic Voyz ng Viva Records at LDG Productions ni Lito De Guzman.

Kaya saksihan na ang natatanging show ng Magic Voyz sa November 29, 8PM, sa Viva Cafe, Ground Floor of Cyberpark Tower I, Araneta City, Quezon City.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies