Vice Ganda nagpasalamat sa SB19 sa Magpasikat; Mahalima hindi nagpabayad

ni GLEN P. SIBONGA


LABIS ang pasasalamat ni Vice Ganda sa malaking kontribusyon at partisipasyon ng Kings of PPop, ang SB19, sa kanilang Magpasikat production number sa It's Showtime para sa grupo ng Unkabogable Star kasama sina Karylle at Ryan Bang.

Nakasama ni Vice ang SB19 sa pagkanta ng original song ng grupo na ginamit sa production number.

Ayon kay Vice, very cooperative ang SB19 na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken (Felip), at Justin. Sumama pa ang Mahalima sa brainstorming at inalok ang kanilang original song para magamit sa production number. Ni-relyrics pa nila ang kanta para sumuwak sa presentation.

Pinuri rin ni Vice ang SB19 dahil aniya, "Hindi po sila nagpabayad. Ayaw nilang tumanggap ng bayad. Kaya maraming salamat talaga, SB19!"

Nagkataon pang co-endorsers ng fastfood chain na McDonald's si Vice at ang SB19.






Comments

Popular posts from this blog

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa