VMX Bellas, VMX V pinainit ang stage ng Viva Cafe


ni GLEN P. SIBONGA

Nasaksihan namin kung paano pinainit ng mga nagseseksihan at naggagandahang miyembro ng all-girl group na VMX Bellas pati na rin ng nagmamachohan at nagguguwapuhang miyembro ng all-boy group na VMX V (FIVE) ang stage ng Viva Cafe sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng gabi, June 3, dahil sa kanilang hot performances.

Kahanga-hanga ang husay sa pagkanta at pagsayaw na ipinamalas ng VMX Bellas na binubuo nina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Tiffany Grey, Hershie de Leon, at Denise Esteban.

Palakpakan at hiyawan ang mga manonood lalo na ang mga kalalakihan sa sexy dance moves ng VMX Bellas. Ipinakita rin ng grupo ang kanilang soft side sa pagkanta ng love song.

Hindi naman nagpahuli sa kanilang bonggang dance moves na pangabog sa TikTok pati na rin sa pagkanta ang VMX V na kinabibilangan nina Sean De Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza, at Calvin Reyes.

Ang VMX sa pangalan ng dalawang grupo ay hango sa Vivamax kung saan bumibida sa naturang online streaming app ang mga miyembro.

Ayon sa VMX Bellas at VMX V, hindi naman sila nakikipag-compete sa ibang grupo. Gusto lang nilang ibahagi sa mga tao ang kanilang passion sa pagkanta, pagsayaw, at pag-perform.

Nagpapasalamat din sila sa suporta at pag-aalaga ng kanilang manager na si Len Carrillo ng 3:16 Media Network.






Comments

Popular posts from this blog

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa