Posts

Showing posts from January, 2023

GMA-7 itinanghal na Best TV Station; Jodi, JM wagi ng top acting awards sa 35th Star Awards For Television

Image
ni GLEN P. SIBONGA Itinanghal na Best TV Station ang GMA-7 habang nakamit nina Jodi Sta. Maria at JM de Guzman ang top acting awards bilang Best Drama Actress at Actor sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Sabado, Enero 28, sa Grand Ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila. Nagwagi si Jodi para sa mahusay niyang pagganap sa Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na ipinalabas via free TV sa TV5 at A2Z. Nanalo naman si JM sa pasabog niyang role sa Init Sa Magdamag na napanood sa A2Z at TV5. Pinangunahan nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin na nagpaningning sa gabi ng parangal bilang mga host. Dahil sa kanilang stunning looks ay humakot ng special awards ang tatlo - Pops (Female Star of the Night, Female Face of the Night); Aiko (Female Winning Look of the Night, Female Celebrity of the Night); at John (Male Winning Look of the Night

Masculados nakatagpo ng bagong pamilya sa Marikit Artist Management

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpapasalamat ang sikat na all male novelty group na Masculados dahil nakatagpo sila ng bagong pamilya sa pagpasok nila sa roster of talents ng Marikit Artist Management na pinamumunuan ng CEO nito na si Joseph Aleta. Ang Masculados ay binubuo nina Robin Robel, Nico Cordova, David Karell, Enrico Mofar, Richard Yumul, at Orlando Sol. Kabilang sa hit songs ng grupo ay ang Jumbo Hotdog, Nakaka, Lagot Ka, Sana Mama, Macho Papa, at Macho Na Si Santa. "Sobrang saya po namin. Feeling ko meant to be itong nangyari sa amin sa pagpasok namin dito sa Marikit Artist Management. Maraming nag-aalok sa amin na kunin ang grupo para i-manage at maging manager namin. Pero parang hindi rin namin kasi feel din. Parang naghahanap kami ng mapagkakatiwalaan at parang pamilya. Kasi yung pinanggalingan namin ay talagang pamilya kami. Itong Marikit Artist Management dito namin naramdaman yung talagang parang isang buong pamilya. Kaya sobrang nagpapasalamat kami sa Marikit, kina Mother J

Rhea Tan dream come true ang Beautederm Headquarters; Celebrity at local ambassadors sumuporta

Image
ni GLEN P. SIBONGA Kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year noong Enero 22 ay ginanap ang grand opening at unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga, na para kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan ay katuparan ng kanyang pangarap. "Beautederm Corporate Headquarters is truly a dream come true," payahag ni Ms. Rhea. “Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beauteful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – madami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees. Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.” Sinamahan si Ms. Rhea sa ribbon-cutting ng Beautederm celebrity at

Top radio anchors sa bansa tampok sa mga bagong programa ng Radyo5

Image
ni GLEN P. SIBONGA Ngayong 2023 maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!” Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to love guru ng bansa, ang Dr. Love ni Bro. Jun Banaag. Mula Lunes hanggang Biyernes, 10pm to 12mn, tutulungan ni Bro. Jun ang mga magkarelasyon sa kanilang love problems at gagabayan sila sa mga pinagdadaanan nilang mga pagsubok. Simula noong Enero 23 napapakinggan na sa Radyo5 ang iba pang mga bagong weekday programs tulad ng Bangon Bayan with Mon mula 4am hanggang 6am, Sagot Kita! ni Cheryl Cosim mula 4pm hanggang 5pm, Good Vibes ni Laila Chikadora at Stanley Chi mula 6:30pm hanggang 8pm, at Pinoy Konek ni Danton Remoto mula 9pm hanggang 10pm. Gigisingin ng morning energy ni Mon Galvez ang listeners sa kanyang infotainment program na Bangon Bayan with Mon. Ipadadama naman ni Cheryl Cosim ang ka

Mike Agassi target sumali sa freediving competitions

Image
  ni GLEN P. SIBONGA Tutok ang atensyon ng Artist Circle talent na si Mike Agassi sa pagiging freediving instructor at paghasa ng kanyang freediving skills habang wala pa siyang regular show at projects sa showbiz lalo na nga't target niyang sumali ngayong taon sa freediving competitions. Kabilang nga ang kanyang freediving activities sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon, ayon kay Mike nang makausap namin siya kamakailan at kumustahin ang pagpasok ng 2023 sa kanyang buhay at career. "Hopefully, magkaroon ng regular shows. Pero right now I'm busy sa pag-travel din kasi I became a freediving instructor last year. So, basically travelling, tapos may side rakets ako like our businesses - mga for lease na properties, manpower agency," sabi ni Mike. Ipinagmalaki nga ni Mike ang mabilis na pag-level up niya sa freediving na after 11 months ay umangat agad siya sa instructor level mula sa pagiging beginner. At ang sikreto niya, "Kasi passion ko talaga e." Ngayon nga

Pops, Aiko, John, Lani, Kuh pangungunahan ang mga bituin sa 35th Star Awards For Television

Image
  ni GLEN P. SIBONGA Pangungunahan nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin sa 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang mga host ng gabi ng parangal habang magpapasiklab naman bilang performers sina Lani Misalucha at Kuh Ledesma sa face-to-face awarding na gaganapin sa ika-28 ng Enero 2023, 6pm, sa Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila. Kaabang-abang ang gagawing pagtatanghal ni Lani sa opening number. Bibigyang-pugay nina Kris Lawrence, Joaquin Garcia, at JV Decena sa isang tribute number ang lifetime achievevement awardees. Hahandugan din ng special number ng JAMSAP talents ang mga manonood. At para sa finale ay ang bonggang performance ni Kuh. Pararangalan naman ang dating aktres at veteran TV host na si Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, habang igagawad kay Senador Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.  Kikilalanin din ang lakas ng tambalan ni

Rhea Tan thankful sa star-studded grand opening ng Beautederm Headquarters sa Pampanga

Image
ni GLEN P. SIBONGA Puno ng kasiyahan at pasasalamat ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa matagumpay na back-to-back at star-studded grand opening ng Beautederm Headquarters at iba pang businesses sa ilalim ng Beautederm Group of Companies nitong weekend, Enero 21 at 22, sa Angeles City, Pampanga. "This is the beauty of life that I love the most. It allows us to go and dream despite the many challenges that we faced especially since the pandemic in 2020. When all hopes may seem to be lost, there will always be a glimmer of light at the end of every tunnel that gives us strength to move forward and never stop dreaming. Coupled with hard work, determination and a lot of prayers, dreaming can be the most rewarding thing in our lives. And dreaming becomes more fulfilling if you are blessed with people who share the same vision in creating a positive difference in this world. "I thanked the tireless Beautederm staff for all your hard work. Our brand ambassado

Ria Atayde itinataguyod ang body positivity bilang White Castle Whisky 2023 Calendar Girl

Image
ni GLEN P. SIBONGA Minamarkahan ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl. Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na nakasuot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon, bahagi na si Ria Atayde ng prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo. Ginawa ng White Castle Whisky ang di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizens nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kauna-unahan nilang White Castle Boy.  "We weren't looking to take ourselves too seriously at the time. Coming from the pandemic and working with our tagline 'Dapat Light Lang,' we decided that we should feature someone that had als

Producer Joed Serrano nagpaliwanag sa free tickets issue sa 'I Am Toni' concert

Image
ni GLEN P. SIBONGA Nagpaliwanag si Joed Serrano, isa sa mga producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na "I Am Toni," kaugnay ng naglabasang free tickets issue dahil sa mahina umano ang bentahan ng tickets kaya namimili ng tickets maginh ang pamilya ng actress-singer sa pangunguna ng ina nitong si Mommy Pinty. Ayon sa inilabas na official statement ni Joed, "As of January 13 friday at 4:45pm, The I Am Toni concert @ the smart araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga.  "Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet.  "These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula

35th Star Awards For Television kasado na sa Enero 28

Image
ni GLEN P. SIBONGA  Paniningningin muli ng The Philippine Movie Press Club, Inc.(PMPC) ang selebrasyon ng Star Awards For Television sa ika-35 edisyon nito sa pamamagitan ng face-to-face awarding na gaganapin sa ika-28 ng Enero 2023, 6pm, sa Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila. Pararangalan ang dating aktres at veteran TV host na si Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Igagawad naman kay Senador Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.  Kikilanin rin ang lakas ng tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (He's Into Her, Season 1/A2Z) pati na rin nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos (The Lost Recipe/GMA 7) para sa German Moreno Power Tandem of the Year. Ang 35th Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nitong si Fernan de Guzman. Katuwang ng PMPC sa gaganaping awards night ang JAMSAP Entertainment Corporation nina Jojo Flores at Maricar Moin