Producer Joed Serrano nagpaliwanag sa free tickets issue sa 'I Am Toni' concert
ni GLEN P. SIBONGA
Nagpaliwanag si Joed Serrano, isa sa mga producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na "I Am Toni," kaugnay ng naglabasang free tickets issue dahil sa mahina umano ang bentahan ng tickets kaya namimili ng tickets maginh ang pamilya ng actress-singer sa pangunguna ng ina nitong si Mommy Pinty.
Ayon sa inilabas na official statement ni Joed, "As of January 13 friday at 4:45pm, The I Am Toni concert @ the smart araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga.
"Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet.
"These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula.
"As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert.
"Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay.
"Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo , then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at mastress. See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the araneta coliseum."
Ang Godfather Productions ni Joed ang isa sa pangunahing producers ng 20th anniversary concert ni Toni.
Comments
Post a Comment