Lead stars ng "Jackstone 5" nagpapasalamat sa magagandang feedback sa pelikula

ni GLEN P. SIBONGA


MASAYANG-MASAYA ang mga bida ng "Jackstone 5" na sina Eric Quizon, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Joel Lamangan dahil maraming nanood sa premiere night noong November 25 sa Trinoma Cinema 6 ang naka-appreciate sa pelikula nila base na rin sa mga magagandang feedback at mga papuring natanggap nila.

Ayon nga kay Direk Joel, na siya ring nagdirek ng movie, "Masaya ako na masaya ang mga tao. Habang tumatawa sila, tumatawa rin kami. At least naging successful yung pagpapatawang nais naming gawin."

"Well, una kasi talaga as an actor nakakakaba o nakakatakot na yung ginawa mo ay hindi ma-appreciate ng mga tao. So, nagpapasalamat ako at na-appreciate niyo siya," ani Eric. "Kanina nga kahit ako natatawa sa mga ginagawa namin. Kasi ngayon ko lang din napanood nang buo yung pelikula."

Dagdag pa niya, "So, syempre congratulations kay Direk (Joel) kasi ang ganda ng pagkaka-edit. There's no lull moment. Nakita niyo naman yung rapport, yung chemistry naming magkakaibigan."

Pagbabahagi ni Jim, "Syempre nakakataba ng puso. Actually, hindi naman kami nagpapatawa e. Talagang kung ano yung nilagay sa script, sinunod namin, tapos bahala na kami. So, nagiging organic. Kaya nakakatuwa na maski hindi kami nagpapatawa ay nakakatawa. Maraming-maraming salamat at nagustuhan niyo."

"Ang sarap sa pakiramdam," say naman ni Arnell. "Kasi ngayon lang talaga namin napanood nang buo. Bawat eksena kasi mabilis naming na-shoot kaya hindi namin alam na ganito yung magiging resulta. So, it's the genius of Direk Joel Lamangan na tinahi nang maganda yung mga eksena."

Sayang at hindi nakadalo sa premiere night ang isa pa sa mga bida na si Gardo Versoza, kasi ang galing niya rin sa pelikula.

Ang huhusay nilang lahat pati ang supporting cast na kinabibilangan nina Marcus Madrigal, Elora EspaƱo, Rico Barrera, Jhon Mark Macia, Abed Green, kasama na ang mga batang gumanap bilang younger versions ng limang bida.

Um-attend ako sa premiere night with no expectations dahil gusto ko lang maaliw sa panonood ng movie. Pero more than that ang naibigay sa akin ng "Jackstone 5." Hindi ko nabilang kung ilang beses akong tumawa dahil sa maraming riot na mga eksena. Pero naantig din ang puso ko sa ilang madamdamin mga eksena.

Sumakses ang "Jackstone 5" na aliwin ako at mga nanood sa premiere night dahil wala itong pretensyon at pure entertainment with moral lesson ang hatid nito sa mga manonood.

Ang "Jackstone 5" ay hindi lang pelikula tungkol sa mga bading, istorya ito ng pagkakaibigan at ng mga pamilya, kaya very relatable ito sa makakapanood nito anuman ang sekswalidad.

Pagkatapos mapanood ang pelikula, ngayon ko mas naunawaan at nagets ang sinabi ni Eric sa naunang presscon na ang "Jackstone 5" ay, "More than just a fun movie, may puso siya. Ito iyong klase ng pelikulang kailangan natin para ma-entertain tayo at kahit paano ay magpapagaan sa mga dinaranas natin sa bansa ngayon."

Congratulations, to the whole team of "Jackstone 5!"

Sana panoorin ito ng mga tao dahil hindi masasayang ang ibabayad niyo sa sinehan. Promise!

Produced by Apex Creative Production Inc. with Dennis Evangelista as line producer, ang "Jackstone 5" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Disyembre 3.






Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family