Ice Seguerra tumapang na kaya nagawa ang kanyang first all-original album; Handang-handa na sa Being Ice concert sa Setyembre

ni GLEN P. SIBONGA


AMINADO ang award-winning OPM Icon at hitmaker na si Ice Seguerra na sa loob ng kanyang 38 year-old career ngayon lang talaga siya nagkaroon ng tapang at lakas ng loob para magawa at mabuo ang kanyang kauna-unahang all-original album, ang Being Ice.

Sa grand media conference para sa kanyang Being Ice album at Being Ice: Live! concert, sinabi ni Ice na napangunahan kasi siya noon ng takot na magkamali at hindi magtagumpay.

Ginanap ang grand mediacon noong July 31 sa Noctos Music Bar sa Quezon City, co-presented with Star Music, the album’s official distributor.

Paliwanag ni Ice, "It took me awhile kasi I'm sure most of you know naman na mula bata ako hanggangang ngayon... being in this industry masasabi ko mas nanaig yung fear ko to fail. 

"Because alam ko rin na If I fail... to put context, if I write my own songs, feeling ko naman I can write my own songs. But feeling ko noon hindi ako na-encourage to do that, and to go that route kasi may pressure sa akin na it has to be a hit. It has to be like this. 

"Feeling ko noon pag hindi nag-hit yung isang kanta, at ako ang may sulat... delikado yung livelihood namin e. Of course, ako yung breadwinner ng family. So, na-equate ko siyang ganun.

"So, for the longest time hindi ako naging matapang to share my thoughts, to share what I'm really feeling. Kasi I was aftaid to fail. I was afraid to make mistakes."

Pero ngayon nga ay natagpuan na niya ang tapang upang matanggap anuman ang mangyari at maging kahinatnan ng kanyang pagsabak sa paggawa at pagbuo ng kauna-unahan niyang all-original album. Ito rin ang first album niya na released under his own label, Fire and Ice Music.

Produced by Ice kasama ang misis niya at creative partner na si Liza Diño, ang Being Ice album ay kinatatampukan din ng special collaboration mula kina Jonathan Manalo, Top Suzara, Mike Villegas, Vince de Jesus, at Trisha Denise.

Sa mediacon ay nagpa-sample si Ice ng mga kanta mula sa Being Ice album at pinerform niya ang tatlong tracks na Shelter of the Broken, Wag Na Lang Pala, at Nandiyan Ka, na dedicated sa kanyang yumaong ama, kaya naman naging emosyonal siya at maging ang invited media at guests.

Ang Being Ice album ay kinabibilangan ng walong tracks:
1. Shelter of the Broken – Survival and mental health anthem  
2. Wag Na Lang Pala – Hugot-pop friend zone blues  
3. Anino – Ice’s coming-out letter to his fans  
4. Ikaw Lang – LDR heartbreak turned love vow  
5. Nandiyan Ka – Tribute to a quiet, loving father  
6. Lost in Time – Hidden love in stolen moments  
7. Ikaw Pala ’Yon – Wedding vow to a love that was meant to be  
8. Natapos Ang Lahat – A final goodbye to a loved one

Ang Being Ice album ay lalabas at mapakikinggan ng buo sa August 8, 2025 sa Spotify, Apple Music, and all major streaming platforms.

Samantala, handang-handa na rin si Ice katuwang ang asawa at producer na si Liza para sa kanyang Being Ice: Live!, ang two-night concert niya na magaganap sa September 12 - 13 sa Newport Performing Arts Theater.

Tampok sa September 12 ang Videoke Hits, na nagawa na rin niya sa nauna niyang concerts pero this time sa mas malaking venue. Special guest sa night one si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tinawag naman niyang The Ice Seguerra Experience ang night two sa September 13, kung saan ba-backup-an siya ng 12-piece band. Mas emotional na maituturing ang concert na ito na magiging special guest ang tatay-tatayan ni Ice sa showbiz na si Vic Sotto

Ayon kay Ice, magkaibang-iba ang dalawang gabi ng Being Ice: Live kaya hinihikayat niya ang mga tao lalo ng kanyang fans na parehong panoorin ito.

Dahil dito mayroon silang discount at bundle promos para sa mga gustong panoorin ang dalawang gabi ng concert.

Tickets are now available via Ticketworld:
-- Weekend Pass (2 Nights): Save ₱1000-2000 
-- VIP Bundles: Meet & greet + limited-edition merch
-- Barkada Promo (Sept 12): Buy 5 VIP, Get 1 Free

Ice Seguerra singing Wag Na Lang Pala


Liza Diño


Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin