Piolo Pascual at iba pang Beautederm ambassadors pinaningning ang induction ni Rhea Tan bilang bagong Presidente ng Rotary Club of Balibago
ni GLEN P. SIBONGA
MANINGNING na ang gabi ng 16th Induction and Turn-over Ceremonies ng Rotary Club of Balibago sa pagkaluklok ni Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan bilang bagong Presidente ng club kasama ang iba pang mga opisyal. Pero mas nagningning pa ang event na ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort noong July 18 sa pagsuporta kay Ms. Rhea ng mga dumalong Beautederm ambassadors sa pangunguna ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, na hinarana pa ang mga Rotarian.
Sumuporta rin ang iba pang Beautederm ambassadors na kinabibilangan nina Ejay Falcon, Alma Concepcion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Josh Ford, Kakai Bautista, Kitkat, Gillian Vicencio, Thia Thomalla, Ervic Vijandre, Kimson Tan, Jojo Abellana, Anne Feo, Darla Sauler, at Pepita Curtis. Present din ang Beautederm local ambassadors mula sa Pampanga. Nagsilbi namang host ng programa si DJ JhaiHo.
Naging saksi rin sa matagumpay na induction ang beautiful and loving family ni Ms. Rhea na sina Mama Pacita Anicoche, at mga anak na sina Adam Kenneth at Audrey Tan.
Nakakabilib si Ms. Rhea na sa kabila ng tinatamasang tagumpay bilang beauty and skincare business magnate at pagiging abala sa iba pa niyang mga negosyo ay nagawa pa ring tanggapin ang tungkulin at responsibilidad bilang bagong Presidente ng Rotary Club of Balibago. Hindi rin kasi mapigilan ang kanyang generous heart na patuloy pang magbigay ng tulong sa mas marami pang tao sa pamamagitan ng charity events at projects, na isa sa mga pangunahing layunin ng Rotary Club.
Ayon nga kay Ms. Rhea sa kanyang speech, "This is a gathering of hearts and minds united in service. The significance of the occasion will be determined not by the words and the lovely dresses, but by the fact that the Rotary Club of Balibago is fully prepared for community uplifting efforts. And I would like to share to you my three most favorite projects."
Inilahad na nga ni Ms. Rhea ang mga makabuluhang proyektong handog niya. Kabilang dito ang "Rise Up, Glow Up" - na layuning mabigyan ng beauty and wellness pampering ang 20 mga kabataan sa BeauteHaus Clinic plus may kasama pang Beautederm products.
Sa "Yes to Love" project naman ay magbibigay si Ms. Rhea ng limang piso sa bawat Beautederm product na mabebenta mula sa participating branches sa Beautederm Headquarters, Marquee Mall, SM Clark, at SM Baguio. Mapupunta ito sa End Polio campaign ng Rotary Club International.
Ang pangatlong proyekto ay ang "Contribeaut: Scholarship Grants for College Students" kung saan sampung estudyante mula sa Pampanga ang mabibigyan ng college scholarship. Ang sampung beneficiaries ay madadagdag sa maraming scholars ng Beautederm kasama na ang mga anak o kapatid ng lahat ng empleyado ng kumpanya.
Bukod sa tatlong proyektong ito, bago pa man naganap ang induction, pinangunahan na ni Ms. Rhea ang district-wide initiative ng Rotary Club of Balibago na "Handog ng District 3790 sa Kabataan." Si Ms. Rhea, kasama ang Kapuso stars at Belle Dolls ambassadors na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, ay nag-distribute ng hygiene kits, food mugs, at school bags sa grade three pupils ng Sto. Domingo
Integrated School.
Bukod kay Ms. Rhea, kabilang din sa mga bagong officer ng Rotary Club of Balibago ang ilan sa mga most trusted Beautederm employees ng lady boss na sina Mylene Timbol, Chona Lee, at Doreen Canyong. Bagong miyembro rin sina Maricel Morales at Brian Kyle Donato.
Comments
Post a Comment