Zion Cruz nagpapasalamat sa blessings na hatid sa kanya ng "Ang Himala ni Niño"

ni GLEN P. SIBONGA


MALAKI ang pasasalamat ng Kapatid child star na si Zion Cruz sa pinagbibidahan niyang TV5 daytime series na "Ang Himala ni Niño" dahil naghatid ito ng maraming blessings sa kanya.

Dahil sa "Ang Himala ng Niño" ay nabigyan siya ng big break sa telebisyon para magbida sa serye, na naging daan para makilala siya sa industriya at magkaroon ng iba pang projects gaya na lang ng pelikulang "The Kingdom," na isa sa official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival. Gumanap siya rito bilang anak ni Cristine Reyes at apo ni Vic Sotto.

Dahil din sa pagganap niya bilang si Niño ay nakikilala na rin siya ng nga tao pag nasa labas siya. Kuwento nga niya may tumawag sa kanya ng Niño sa mall at nagpa-picture sa kanya. Kilala na rin siya ng kanyang mga kaklase at iba pang mag-aaral sa kanilang school.

Sa "Ang Himala ni Niño" ay naipamalas ni Zion ang kanyang galing sa pag-arte sa pagganap niya bilang Niño kaya naman napansin ito ng iba't ibang award-giving bodies at binigyan siya ng parangal. Itinanghal siya bilang Best Child Performer sa 38th PMPC Star Awards for Television at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards. Nominado rin siya bilang TV Actor of the Year sa 6th VP Choice Awards.

"Thank you kasi naa-appreciate niyo po ang effort ko kahit baguhan pa lang ako. Thank you rin po kay Direk (Thop Nazareno) dahil natutukan niyo po ako. Siyempre po thank you rin po kay Lord sa lahat ng blessings," sabi ni Zion sa Finale Media Conference ng "Ang Himala ni Niño."

Pinasalamatan din ni Zion ang mga kasama niya sa cast pati ang production staff, na aniya ay mami-miss niya lahat ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng "Ang Himala ni Niño."

Wish ni Zion na sana ay masundan pa ng magandang proyekto ang "Ang Himala ni Niño."

Subaybayan ang huling dalawang linggo ng "Ang Himala ni Niño," na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15AM sa TV5.




Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren