"Pilipinas Got Talent Season 7" magpapakitang-gilas na ngayong March 29 at 30
ni GLEN P. SIBONGA
HANDA nang magpakitang-gilas ang "Pilipinas Got Talent Season 7" na mapapanood na simula ngayong Sabado at Linggo, March 29 at 30, tampok ang pangmalakasang talento ng mga Pinoy.
Kaabang-abang din ang mga bagong hurado na makakasama ng original PGT judge na si dating ABS-CBN president Freddie "FMG" M. Garcia na kinabibilangan ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo, New Gen Matinee Idol na si Donny Pangilinan, at Comedy Star for All Seasons na si Eugene Domingo.
Ipinaliwanag ni Kathryn kung paano maaaring makaapekto ang kanyang mga desisyon sa pangarap ng isang tao.
“At the end of the day, iisipin ko if tama ‘yung mga nabigay kong advice sa mga contestant. Pati na din ‘yung mga Yes at No naibigay ko that day. Meron kasi kaming power to change a person’s dream or to make that dream come true. So our ‘Yes,’ it’s so powerful. And it’s also so hard to say ‘No,’” ani Kathryn.
Ibinahagi rin ni FMG ang kanyang pananabik sa pagtuklas ng mga bagong talento sa ikapitong season ng palabas.
“Marami nang bagong technology ngayon na pwede ma-incorporate sa mga talent ng magpe-perform sa ‘PGT’. Sure enough, the talents that we have right now have levelled up. I would say that they could be compared to world-class acts,” sabi ni FMG.
Nang mausisa kung ano ang inaasahan niya mula sa mga contestant, sinabi ni Donny na nais niyang makakita ng “performances that would move the room.” “The type of performance na after niyo mapanood, magsi-shift ‘yung environment,” dagdag niya.
Samantala, mataas ang papuri ni Eugene para sa ‘PGT.’ “When this show landed on my lap, I just thought that this is the best and most entertaining show. This is everything. This is entertainment, this is talent, and this is Filipino. What more can you ask for,” aniya.
Magho-host ngayong season sina Robi Domingo at Melai Cantiveros, na nangangakong magbibigay saya sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang nakakatuwang mga banat at sa pagdidiskubre ng mga nakaka-inspire na kwento ng mga contestant. Sasamahan din sila nina Wize Estabillo at Lorraine Galvez bilang hosts ng online show na PGT Exclusives para sa mas marami pang makukulit at masayang sandali.
Ang "Pilipinas Got Talent" ay ang pinakamalaking talent reality competition sa Pilipinas na nagbubukas ng entablado nito para sa mga Pinoy na may natatanging husay sa pagkanta, pagsayaw, at iba't ibang klase ng talento tulad ng magic, comedy, acrobatics at marami pa. Maglalaban-laban ang mga ito upang makamit ang pangrap bilang “Pilipinas Got Talent Grand Winner.”
Ipapakita rin ng PGT ang mga nakaka-inspire na kuwento ng mga contestant, ang pagdiriwang ng natatanging talento, ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, at ang pagpupursige upang makamit ang pangarap. At sa ika-7 season nito, aabangan rin ang panibagong atake ng hosts at judges sa pagbibigay saya at aral sa mga manonood.
Huwag palampasin ang “Pilipinas Got Talent” Season 7 premiere ngayong Marso 29 at 30, na ipapalabas 7:15 pm – 8:30 pm tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Sa TV5, mapapanood ito 8:00pm – 9:15pm tuwing Sabado, at 8:15pm – 9:30pm tuwing Linggo.
Comments
Post a Comment