Bakery Fair 2025 malaking tagumpay; Cookie ni Rhian Ramos patok sa event

ni GLEN P. SIBONGA


MASAYANG-MASAYA ang mga opisyal at bumubuo ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) sa pangunguna ng Presidente nito na si Christopher Ah dahil sa malaking tagumpay ang inorganisa nilang Bakery Fair 2025 na ginanap sa World Trade Center noong March 6-8.

Pasasalamat nga ng FCBAI sa kanilang Facebook page kaugnay ng Bakery Fair 2025, "We’re beyond grateful to all our exhibitors and attendees for making it such a success."

Pinasalamatan din nila lahat ng mga chef at baker na nag-demo sa 360 degrees rotating stage kabilang na ang celebrity baker na si Rhian Ramos.

"A delightful day at #BakeryFair2025! Huge thanks to the lovely Rhian Ramos for gracing our event and sharing the magic of Bās Bākes and the love for all things baked and beautiful! 🍪✨" ayon sa FB post ng FCBAI.

Talaga namang pumatok sa Bakery Fair 2025 ang Bās Bākes cookie ni Rhian. Maraming nasarapan sa cookie ni Rhian at bumilib sa pagiging baker niya bukod sa pagiging magaling na aktres at host.

Nagpasalamat din si Rhian sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng FCBAI para mag-demo sa event. "Thank you FCBAI for having me and my Bās Bākes cookie at the #BakeryFair2025 ," post ni Rhian sa kanyang FB page.

Samantala, nagkaroon din ng baking competitions kung saan malalaking mga papremyo ang ibinigay sa mga nagwagi sa Bakers Cup 2025 gaya ng P150,000 cash para sa 1st place winner ng Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition at Trip to Korea para sa 1st place winner ng American Croissant Challenge. Ilan pa sa competitions sa event ay ang Flour Masters: Bread Baking Competition, The Cake Illusion: Hyper-Realistic Cake Art Competition, Donut Dash, Cake My Day, at World Water Day Cake Decorating Competition.




Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren