Melai Cantiveros excited sa Season 2 ng "Kuan On One"
ni GLEN P. SIBONGA
EXCITED na si Kuantie Melai Cantiveros sa season 2 ng kanyang ABS-CBN Bisaya talk show na “Kuan On One,” na mapapanood na simula Nobyembre 12 (Martes) sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWantTFC.
Tuwang-tuwa si Melai sa tagumpay ng season one ng "Kuan On One," na umani ng mahigit 15 million views at nagkaroon ng ilang trending episodes kaya naman nagkaroon ito ng second season.
Sa Season 2 announcement ng show, inilahad ni Melai ang kanyang excitement sa paghahatid muli ng tuwa at lessons mula sa mga Bisaya celebrities.
"Gusto kong ma-pickup ng viewers yung mga individuality ng in-interview na mga Bisaya celebrities and influencers. Na kapag na-touch mo kung saan sila nanggaling, makikita mo na normal lang silang tao, sobrang humble nila, at deserve talaga nila na maging idol natin," sabi niya.
Nagpasalamat rin si Melai sa lahat ng positibong reaksyon at komentong natatanggap niya bilang solo host.
Dahil dito, muling magpapasaya si Melai kasama ang celebrity guests mula sa showbiz at music industry at sa drag, social media, at sports communities na may nakakatuwa at nakaka-inspire na mga kwento. Nakatakdang bumisita sa pangalawang season ng show sina JK Labajo, Kyle Echarri, PBB Gen 11 housemates Jas at Binsoy, Sylvia Sanchez, Davao Conyo, Morissette, Chito Samontina, Khianna & Hana Beshie, Sisi Rondina, at iba pa.
Ibinalita rin ni Melai na matutuloy na ang guesting ni Felip o Ken ng SB19 sa show ngayong season 2. Excited na nga siyang ma-interview si Felip dahil season one pa lang ay gusto na niya itong mag-guest ngunit nagkaroon lang konting problema sa schedule.
Huwag palampasin ang "Kuan on One" Season 2 na mapapanood na ngayong Nobyembre 12 (Martes) sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC. Available rin weekly ang extended scenes ng "Kuan on One" para sa Super Kapamilya Members sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Comments
Post a Comment