Rhian Ramos namigay ng livelihood foodcarts sa 20 single moms bilang bahagi ng kanyang birthday celebration

ni GLEN P. SIBONGA


MAKAHULUGAN at napuno ng emosyon ang pagdiriwang ng kaarawan ni Rhian Ramos noong Oktubre 3, 2024 dahil bahagi ng kanyang selebrasyon sa mismong araw ng kapanganakan niya ang kanyang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng pamimigay ng livelihood foodcarts sa 20 single moms na ginanap sa Manuel L. Quezon University sa lungsod ng Maynila.

Ilang araw bago ang birthday niya ay nag-live si Rhian sa kanyang social media pages upang ipaalam na siya ay maghahandog at pipili ng 20 single moms na kanyang babahaginan ng livelihood foodcarts.

 “Gusto naming maramdaman niyo rin na my kakampi kayo. Yung feeling na nanalo ka sa raffle! Yung napili ka! Yung may sumusuporta at tutulong din sa 'yo,” masayang mensahe ni Rhian sa kanyang mga sinurpresang beneficiaries ng livelihood foodcarts.

Ang pagkakawanggawang ito ay naisip ni Rhian katuwang ang kaniyang partner na si Cong. Sam Verzosa ng Tutok to Win party list at Frontrow Philippines.

Labis ang saya at pasasalamat ng mga nahandugan sa kanilang natanggap na bagong makakatulong sa kanilang kabuhayan. Ang foodcart ay tinawag na SioMAYNILA na full-packed ng bike, cart, gasul, steamer at iba pang mga kagamitan sa negosyo. Bukod sa siomai ay may kasama rin itong samalamig.

“Kabuhayan para sa lahat! Madami pa tayong ipamimigay na mga SIOMAYNILA Mobile Franchise Business sa mga kababayan natin. Happy Birthday Boo (Rhian),” pahayag ni Cong. Sam kay Rhian at sa mga nakasama noong araw na iyon.

Tunay na nakakaantig ang istorya ng bawat single mom na nakasama noong kaarawan ni Rhian. Mula sa iba’t ibang lugar sa kalapit na lungsod ang mga nabiyayaan nito tulad ng mga taga-Quezon City, Laguna at Maynila.

Taon-taon ay nakasanayan na ni Rhian na magdaos ng charity programs para sa kanyang kaarawan at tinawag itong Rhian Gives Back. 

Wala ng iba pang hiling sa kasalukuyan si Rhian, hindi na para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang pamilya at iba pang mga tao.. Tuloy-tuloy ang kanyang blessings mula sa mga recognition na kanyang natanggap sa Royal Blood at sa kanyang pagganap bilang Fina sa "Pulang Araw."

Masaya at sobrang excited din siya mga parating na blessings kabilang ang darating na "Sanggre: The Encantadia Chronicles" ng GMA Network at mga kaabang-abang na apat na pelikula na kanyang ginawa para sa taong ito.

Nagpapasalamat din si Rhian sa suporta ng kanyang partner brands upang maisagawa niya ang ganitong programa, Y.O.U Skin Care, Belo Medical Group, Estee Lauder luxury fragrance, Posh Nails, Toni & Guy, Frontrow Philippines, Healthy Appetite by Rhian, Get Spotted, Dra. Ninia Rodil, at sa kanyang Management- MBU Management at fan group na Cyberhians.









Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin