Sinag Maynila 2024 Best Actress Rebecca Chuaunsu masaya sa tinatamasang tagumpay ng pelikula niyang "Her Locket"
ni GLEN P. SIBONGA
PUNO ng kasiyahan at pasasalamat ang actress-producer na si Rebecca Chuaunsu sa tinatamasang tagumpay ng pelikulang kanyang pinagbibidahan at prinodyus, ang "Her Locket," lalo na nga't humakot ito ng awards sa nakaraang Sinag Maynila 2024.
Iniuwi ni Rebecca ang Best Actress trophy sa Sinag Maynila dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Jewel Ouyang, isang inang nagkasakit ng dementia. Kumakalma lang siya kapag suot niya ang kuwintas niyang may locket. Nagkaroon siya ng malaking koneksyon sa kanyang caregiver na si Teresa na ginampanan ni Elora Españo na nagwaging Best Supporting Actress.
Itinanghal ding Best Film ang pelikula kasama ang iba pang awards:
Best Ensemble
Best Director
- J. E. Tiglao
Best Screenplay
- J. E. Tiglao and Maze Miranda
Best Cinematography
- Jag Concepcion
Best Production Design
- James Rosendal
Bago pa ang partisipasyon ng "Her Locket" sa Sinag Maynila ay nakalahok na ito sa iba't ibang international film festivals kung saan nauna nang nagwaging Best Actress si Rebecca sa 2024 Wu Wei International Film Festival sa Taiwan at sa 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora sa Morocco.
Bukod sa Pilipinas, Taiwan, at Morocco, ang "Her Locket" ay nakasali na sa Marche Du Film - Festival De Cannes (2023) sa France; London East Asia International Film Festival (2023) sa UK; at 22nd Dhaka International Film Festival (2024) sa Bangladesh.
Malaking bagay para kay Rebecca na pagkatapos sa ibang bansa ay naipalabas na rin sa Pilipinas ang "Her Locket" sa pamamagitan ng Sinag Maynila 2024 na pinamamahalaan nina Wilson Tieng ng Solar Pictures bilang founder at Direk Brillante Mendoza bilang festival director. Ipinalabas ang pelikula sa piling mga sinehan sa Metro Manila noong September 4-10.
"I'm so happy that finally, after 'Her Locket' has been screened in international film festivals, we have shown it in our homeland, the Philippines and shared it to our kababayans, a film that is inspired by a true story.
“A tapestry weaving the stories of the director, writer, and storyteller. I'm so grateful to Sinag Maynila organizers for this awesome opportunity.
"With the Sinag Maynila best actress award that was bestowed to me, I am most humbled and beyond grateful. To God be the glory!" sabi ni Rebecca.
Pag-amin pa ni Rebecca, muntik na niyang ipatigil ang shooting ng pelikula dahil nakasabay nito ang pagkakasakit at pagkaka-ospital ng kanyang asawa. Pero ang mister din niya ang kumumbinsi sa kanya na ituloy ang pelikula dahil alam nitong pangarap ni Rebecca ito.
Ngayon nga ay sunud-sunod ang tinatamasang tagumpay ng "Her Locket."
Nakatakda ring lumahok ang "Her Locket" sa San Diego Film Festival (USA) sa October 2024.
Comments
Post a Comment