Sam Verzosa namigay ng 100 negosyo package sa kanyang kaarawan

ni GLEN P. SIBONGA


ESPESYAL para sa Tutok To Win partylist Representative at "Dear SV" host na si Sam Verzosa ang selebrasyon ng kanyang kaarawan ngayong taon dahil imbes na magarbong birthday party ay mas pinili niyang magbigay ng tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng 100 Siomaynila Mobile Franchise Business na ginanap kamakailan lang sa MLQU compound sa Quiapo, Manila.

Mapapanood ang pagkakawanggawang ito ni Sam sa kanyang birthday episode sa "Dear SV," ang public service show niya na umeere tuwing Sabado, 11:30pm sa GMA-7.

Extra special din ang episode na ito dahil naging guest co-host ni Sam ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos, na sinorpresa ang public servant-TV host. Sorpresa ring dumating ang mga taong natulungan ni Sam sa "Dear SV" at may bitbit pang mga regalo na ikinatuwa niya. At syempre present din ang kanyang mga anak at mga kapamilya sa selebrasyon.

Hindi maiwasang mapaiyak ni Sam habang kinakausap niya ang mga nabigyan niya ng negosyo package dahil karamihan sa kanila ay talagang naghihikahos sa buhay pero patuloy na lumalaban para itaguyod ang kanilang pamilya. Gaya na lang ng isang ama na kasalukuyang nasa ospital pa ang anak. Napaiyak ito habang nagpapasalamat kay Sam. Kaya naman bukod sa negosyo package ay nangako rin si Sam na sasagutin niya na rin ang hospital bills ng anak.

Ayon kay Sam nang makausap namin siya, nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ng mga beneficiary ng negosyo package.

"Galing din po kasi ako sa wala e. Alam ko yung pakiramdam ng wala. Alam ko rin yung pakiramdam ng nabibigyan ng tulong. At ramdam ko itong mga kababayan natin. Alam ko yung mga kailangan nila. 

"Lalo na ngayon na naiahon ko yung sarili ko sa kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Kaya naman negosyo o pangkabuhayan ang ibinigay ko sa kanila," sabi ni Sam.

Matagal nang tumutulong si Sam sa mga nangangailangan kahit noong hindi pa siya congressman at wala pa ang "Dear SV." Katuwang ang Frontrow with RS Francisco tumutulong na sila sa mga tao lalo na sa mga naging biktima ng kalamidad.

Kaya naman tuloy-tuloy ang pagtulong ni Sam magpahanggang ngayon. Kahanga-hanga rin ang prinsipyo niya sa pamimigay ng tulong na hindi lang ayuda o panandaliang tulong kundi pangmatagalang tulong para makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap nating kababayan.

Mabuhay ka at maligayang kaarawan, Sam Verzosa!








Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies