LA Santos at Kira Balinger nagpapasalamat sa matagumpay na premiere night ng pelikula nilang "Maple Leaf Dreams"

ni GLEN P. SIBONGA


WALANG PAGSIDLAN ng saya at puno ng pasasalamat sina LA Santos at Kira Balinger dahil sa matagumpay na premiere night ng pinagbibidahan nilang pelikulang "Maple Leaf Dreams" na ginanap nitong Biyernes, September 20, sa Gateway 2 Cineplex 12.

Bukod kina LA at Kira, present din sa premiere ang direktor ng pelikula na si Benedict Mique, writer na si Hannah Cruz, at ang iba pang miyembro ng cast na sina Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago, at Jong Cuenco.

Dumalo rin sa premiere para suportahan sina LA at Kira ang kanilang showbiz friends at co-talents sa Star Magic na kinabibilangan nina Seth Fedelin, Bailey May, Anji Salvacion, Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Krystal Brimner. Sumuporta rin ang mga katrabaho ni Kira sa "Padyak Princess" na sina Jameson Blake, Gillian Vicencio, at Direk Easy Ferrer. Namataan din namin sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Thankful sina LA, Kira, at Direk Benedict sa mga natanggap nilang mga pagbati at papuri sa pelikula.

Kabilang ako sa mga naimbitahang press sa premiere at na-enjoy namin ang pelikula.

Na-appreciate ko ang pagiging aktor nina LA at Kira sa pelikula. Ang galing nila bilang sina Macky at Molly, magkasintahang piniling pumunta ng Canada para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Pero hindi naging madali ang buhay at mga naranasan nila roon.  

Si Kira napakahusay sa crying scene niya matapos makatanggap ng masamang balita (kung ano iyon ayoko namang i-spoil). Iyan ang aktres na walang pakialam kahit pa tumulo ang uhog kasabay ng pag-agos ng luha.

Ibang LA rin ang napanood ko rito matapos ang kanyang award-winning performance sa In His Mother's Eyes. Humanga ako sa bitawan niya ng mga linya at sa pagluha niya sa isang mata lang.

Maganda ang "Maple Leaf Dreams" at hindi boring na panoorin. Mahusay ang pagkadirehe ni Direk Benedict, na mapapanood rin sa maraming eksena sa pelikula na dumadaan. Paliwanag ni Direk, mahirap kumuha ng extra sa Canada kaya yung ibang passerby ay siya na lang ang umako. In fairness, multi-tasker si Direk ha. Biro pa namin, si Direk ang Pambansang Passerby sa pelikulang ito.

Kasama rin sa cast sina Joey Marquez, Snooky Serna, Jef Gaitan, Benito Mique, at Malou Crisologo.

Produced by 7K Entertainment, Lonewolf Films, and ABS-CBN's Star Magic, ang "Maple Leaf Dreams" ay mapapanood sa mga sinehan nationwide dito sa Pilipinas simula sa September 25 at sa Canada simula sa September 27.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies