Posts

Showing posts from July, 2024

Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano gumawa ng kasaysayan sa 40th Star Awards for Movies; Dingdong Dantes, Alden Richards nagwagi rin

Image
ni GLEN P. SIBONGA FIRST time sa history ng Star Awards for Movies na tatlong movie queens ang nagwagi sa Movie Actress of the Year - sina Superstar at National Artist Nora Aunor (Pieta), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother's Eyes), at Star For All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo) - kaya naman naging makasaysayan ang selebrasyon ng PMPC ng 40 taon o 4 na dekada ng naturang taunang pagbibigay ng parangal na ginanap nitong Linggo, July 21, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City. Emosyonal ang naging pagsasama nina Nora at Maricel sa stage sa pagtanggap sa kanilang parangal. Anila, miss na miss nila ang isa't isa kaya naman ganun na lang ang yakapan at tsikahan nila sa stage. Binati rin nila ang co-winner nilang si Vilma, na hindi nakadalo dahil nagkasakit ito. Panalo naman sa Movie Actor of the Year ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes (Rewind) at Alden Richards (Five Breakups And A Romance). Itinanghal na Movie of t

Isko Moreno, Cory Quirino, Diana Zubiri and family nakisaya sa selebrasyon ng National Hopia Day ng Eng Bee Tin

Image
ni GLEN P. SIBONGA DUMALO at nakisaya sa makulay na selebrasyon ng kauna-unahang National Hopia Day ng Eng Bee Tin  Chinese Deli sina dating Manila Mayor Isko "Yorme" Moreno , TV host Cory Quirino , actress Diana Zubiri kasama ang pamilya niya sa event na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong Biyernes, Hulyo 19. Pinangunahan ang pagdiriwang ng Eng Bee Tin President and Chairman na si Gerie Chua kasama ang kanyang pamilya pati na rin ng executives ng SM. Sa kanyang opening remarks, ikinuwento ni Sir Gerie ang humble beginnings ng Eng Bee Tin Chinese Deli hanggang sa lumaki at lumago ang kanyang negosyo at kinikilala ngayon bilang #1 Filipino-Chinese Delicacy Brand in the Philippines. Tumatanaw ng utang na loob si Sir Gerie kay Ms. Cory dahil ang veteran TV host ang kauna-unahang nag-interview sa kanya at nagtampok sa Eng Bee Tin sa telebisyon. Kaya masaya si Sir Gerie na nakadalo sa event si Ms. Cory. Nagpapasalamat naman si Yorme Isko dahil kahit hindi na siya nakaup

Regine Velasquez, Alden Richards, Aiko Melendez, Robi Domingo, Bianca Umali, Darren Espanto paniningningin ang 40th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA PANININGNINGIN ng sikat at magagaling na mga bituin sa showbiz kabilang na ang mga host at performers ang 40th Star Awards for Movies ng PMPC na gaganapin ngayong Linggo, Hulyo 21, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City. Makikinang na mga bituin ang magsisilbing hosts ng Gabi ng Parangal na kinabibilangan ng sikat na TV host sa variety, reality at game shows na si Robi Domingo ; multi-awarded actress na si Aiko Melendez ; actress-TV host na si Bianca Umali ; at Asia's Multimedia Star at Box-Office King na si Alden Richards . Pasabog na opening number ang hatid ng Asia's Pop Heartthrob na si Darren Espanto kasama ang  Manoeuvres . Bibigyan naman ng tribute sa pamamagitan ng pag-awit ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang veteran movie producer at Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Awardee na si Vic del Rosario Jr.  Haharanahin at bibigyang-pugay ng mahusay na grupong Anthology. PH a

Rhea Tan masaya sa successful 15 years ng Beautéderm; Jennylyn Mercado bagong endorser

Image
ni GLEN P. SIBONGA IPINAGDIRIWANG ng Beautéderm ang successful 15 years nito sa skincare at wellness industry kaya naman kapansin-pansin ang magandang glow at kasiyahan ng Beautederm CEO at founder na si Rhea Anicoche Tan . Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.   Sa nasabing selebrasyon, ipinakilala rin ni Ms. Rhea ang bagong ambassador ng Beautéderm na si Jennylyn Mercado . Kabilang na ngayon ang Kapuso star at Aguila Entertainment talent sa line-up ng A-list celebrity endorsers ng brand.   Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang products na ine-endorse ni Jennylyn. Sa launching ni Jennylyn ay hinarana siya ni Beautederm ambassador Rayver Cruz, habang nagsilbi namang hosts ang ambassadors ding sina DJ JhaiHo at DJ Chacha. Excited ang tatlo na makasama si Jennylyn sa Beautederm family.   Nagpapasalamat ang skincare executive sa Ultimate S

Itan Rosales humahataw ang career sa dami ng projects; Siya na ba ang bagong Vivamax King?

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGANG-BONGGA  ang Vivamax actor at 3:16 Media Network talent na si Itan Rosales dahil talaga namang humahataw ang career niya ngayon sa dami ng projects na sunud-sunod niyang ginagawa. Leading man ni Rica Gonzales si Itan sa pelikulang “Hiraya,” na streaming na ngayon sa Vivamax. Prodyus ito ng 3:16 Media Network at directed by Sidney Pascua.  Bida rin si Itan sa movie na “Kaskasero” with Christine Bermas at Angela Morena. Handog ng 3:16 Media Network, ang "Kaskasero" ay sa ilalim ng direksyon ni Ludwig Peralta at mula sa panulat nina Quinn Carrillo at Sidney Pascua.  Makakasama rin si Itan sa pelikulang "Uhaw" ni Vivamax Queen Angeli Khang at Vivamax Princess Ataska. Ang "Uhaw" ay mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. Bukod diyan miyembro rin si Itan ng all-male group na VMX V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City. Kaya naman masayang-masaya si Itan at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng blessings na dumaratin

Alden Richards, Julia Montes, Marian Rivera, Dingdong Dantes wagi sa 40th Star Awards for Movies

Image
ni GLEN P. SIBONGA INILABAS na ng PMPC ang partial list ng mga nagwagi sa  40th Star Awards for Movies  sa pangunguna ng pagkapanalo nina Alden Richards at Julia Montes para sa Movie Loveteam of the Year para sa pelikulang "Five Breakups And A Romance" at pagbibigay ng parangal sa mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Takilya King and Queen para sa record-breaking movie nilang "Rewind." Itinanghal bilang Movie Supporting Actor of the Year si JC Santos para sa "Mallari" at si LA Santos para sa "In His Mother's Eyes." Si Gladys Reyes naman ang nagwaging Movie Supporting Actress of the Year para sa "Here Comes The Bride." Malalaman ang mga nagsipagwagi sa huling anim na major categories sa mismong Gabi ng Parangal na magaganap sa July 21, 2024 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City. Kabilang dito ang Movie Actress of the Year, Movie Actor of the Year, Movie of the Year, Movie Di