Kaila Estrada naging emosyonal sa pagpirma ng unang kontrata niya sa ABS-CBN


ni GLEN P. SIBONGA

Pinirmahan ni Kaila Estrada ang kanyang kauna-unahang kontrata sa ABS-CBN, na minarkahan ang isang milestone sa kanyang karera bilang isang rising star, sa Forever Kapamilya contract signing event noong Lunes (Pebrero 19).

Sa kanyang unang contract signing, ipinahayag ni Kaila ang kanyang kaligayahan at pananabik sa pagiging isang ganap na Kapamilya.

“I'm really so grateful and I feel so blessed and I'm very happy and proud to be a Kapamilya and I will always be a Kapamilya for as long as you will have me. Thank you so much for this,” sabi niya.

“Like I said earlier this was really where I wanted my journey in show business to begin and I'm so glad that it will continue. I'm looking forward to more years to come for us as a family. I'm so grateful, I'm so blessed,” dagdag pa niya.

Dumalo sa contract signing sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic head at Entertainment Production head Laurenti Dyogi, at CFO Rick Tan Jr. Kasama rin ang managers ni Kaila na sina Jonas Gaffud at Joy Lomibao.

Samantala, naging emosyonal si Kaila matapos marinig ang mga mensahe ng kanyang mga magulang sa kanyang contract signing. 

“I will always be proud of you. I wish you continuous success but as you hold your head up high, also keep your feet on the ground. May contract ka na sa ABS-CBN. Hindi ka na anak ni Janice, ako na ang magiging nanay ni Kaila,” sabi ni Janice.

“Nakakatuwa at nakakataba ng puso dahil lahat ng nakatrabaho ni Kaila na nakatrabaho ko rin, walang ibang sinasabi kung hindi ‘Kuya John, nakatrabaho ko ang anak mo, ang galing!’. Marami na akong naririnig na praises for you. You’re in good hands. Congratulations,” pagbabahagi ni John.

Sa one-on-one interview ni Kaila kay MJ Felipe, pinangalanan niya si Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Jericho Rosales, at Piolo Pascual bilang mga artistang gusto niyang makatrabaho para sa mga future project. Bukas rin umano siyang magkaroon ng loveteam, ngunit iginiit na masaya siyang magtrabaho bilang solo artist.

Napapanood si Kaila sa Kapamilya primetime teleseryes na "Can't Buy Me Love" at "Linlang: The Teleserye Version."

Upang mapanood ang buong “Forever Kapamilya” contract signing ni Kaila Estrada, pumunta sa Facebook page ng Star Magic o bisitahin ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies