Marlo Mortel, Angela Ken, at Maki pinasaya ang mga estudyante ng Poveda para sa Knowledge Channel event


ni GLEN P. SIBONGA

Talaga namang hindi magkamayaw sa pagtili at pagpalakpak ang mga estudyante ng Saint Pedro Poveda College nang mag-perform at handugan sila ng mga awitin ng mga ipinagmamalaking artists ng ABS-CBN Music na sina Angela Ken at Maki sa event ng Knowledge Channel kung saan nagsilbi namang host ang Kapamilya actor-singer na si Marlo Mortel, na nagpakilig din sa mga estudyante.

Nakipag-partner ang Knowledge Channel sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at sa Department of Education (DepEd) para sa event na may kaugnayan sa Values Month tampok ang educational show nitong "Wikaharian," na ginanap sa Saint Pedro Poveda College Gymnasium noong Disyembre 7.

Ang “Wikaharian” ay isang TV animated show kung saan itinatampok ang curriculum-aligned lessons, na naglalayong ma-promote at ma-develop ang children’s awareness, appreciation, and love for their culture, tradition, and beliefs bilang mga Pilipino.

Naniniwala sina Angela Ken at Maki pati na si Marlo na nagagawa nilang makapagbahagi ng values sa mga tao lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang musika at mga kanta.

Solido rin ang paniniwala nila na malaking tulong sa edukasyon at values formation ng mga kabataan at estudyante ang naibibigay ng mga programa ng Knowledge Channel.

Kaya naman buo ang suporta nila sa Knowledge Channel at lagi silang handang magbigay ng kasiyahan sa iba't ibang events nito.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies