Richard Gutierrez sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahang teleserye: "We're very happy na naging iconic din yung 'The Iron Heart' sa landscape ng TV!"


ni GLEN P. SIBONGA

Aminado ang bida ng "The Iron Heart" na si Richard Gutierrez na hindi pa lubusang nagsi-sink in sa kanya ang nalalapit na pagtatapos ng naturang toprating Kapamilya primetime teleserye. Sa kabila nito labis ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinibigay sa kanila ng mga manonood.

"Sa akin parang hindi pa nga masyadong nagsi-sink in," bulalas ni Richard sa finale presscon ng "The Iron Heart" na ginanap kamakailan sa ballroom ng Seda Vertis North.

Patuloy niya, "Syempre nakakalungkot dahil inaabangan ko dapat yung next taping schedule, dahil nasanay na nga kami na may taping. 

"Pero as of now, slowly nagsi-sink in na sa akin na matatapos na ang 'The Iron Heart.' Yung samahan namin ng grupo, lahat ng mga tao pati yung crew, nakasama namin ng one year, syempre mami-miss ko silang lahat. But I'm hoping and praying na hindi ito yung last, na magsama-sama kami ulit. I still look forward to working with everybody. 

"I think we should look at ' The Iron Heart' as something na we can all pe proud of. Everybody worked so hard, sacrificed so much to the show. And we're ending on a high note. Ang daming taong natutuwa sa show. We should all celebrate more than anything. When I look back at this project, it will bring back happy memories"

Proud din si Richard na sa kabila ng mga hinarap nilang challenges at constraints sa "The Iron Heart" ay matagumpay ang naging pag-ere nito hanggang sa nalalapit na pagtatapos.

Ayon nga kay Richard, "Ang vision namin dito was to change the landscape of action here in the Philippines. Yun talaga ang vision namin from the start. And like what Direk said we had a lot of constraints like time, budget, everything.

"Syempre pag sinabi mong we want to change the landscape of action, ang daling sabihin, di ba? But to actually do it, day in day out, sacrifice everything for the shoot, doon ako bilib sa buong team namin. 

"Kung nagugulat man ako sa success... parang there's something in me na, I mean hanggang ngayon one year on, we're still doing well. To be honest, with the team that we have we can really achieve greatness.

"So, I'm very proud of the show, I'm proud of the whole team. And we're very happy na naging iconic din yung 'The Iron Heart' sa landscape ng TV!"

Sa huling dalawang linggo ng "The Iron Heart" ipinagmamalaki ni Richard na marami pang dapat abangan sa karakter niyang si Apollo gayundin sa istorya ng grupo ng Tatsulok at Altare.

Handog ng Star Creatives at sa ilalim ng direksyon nina Lester Pimentel Ong, Wang Yan Bin, at Ian Loreños, ang pasabog na huling dalawang linggo ng "The Iron Heart" ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube, at iWantTFC.




Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin