Richard Gutierrez, Jake Cuenca at iba pang cast ng "The Iron Heart" masaya sa taos-pusong suporta ng mga manonood


ni GLEN P. SIBONGA

Labis ang pasasalamat ng cast ng "The Iron Heart" sa pangunguna ni Richard Gutierrez sa patuloy na pagtaas ng kanilang viewership na humigit na sa 400,000 live concurrent views at palagi nilang pagte-trend sa social media kasabay ng kanilang nalalapit na pagtatapos. 

Ayon nga kay Richard, “We are very happy na tumagal ng ganito ang 'The Iron Heart.' Patuloy ang pagtaas ng views at pagsubaybay ng manonood. We started in an uphill battle, against all odds, and yet nandito kami ngayon ina-announce ang last two weeks after one year of doing this project. Maraming salamat sa suporta ng mga manonood, ABS-CBN, at Star Creatives. We all worked hard for this, and we're happy to announce that we are ending ‘Iron Heart’ on a high note."

Proud naman si Jake Cuenca na sa kabila ng kanilang kinaharap na mga pagsubok ay nagbunga naman ang kanilang pinagtrabahuhan. 

“We had a humble start and nag-climb and climb ang show. Sa tuwing nakakakita ako na tumataas yung views, nakaka-proud kasi we really worked hard for that,” saad ni Jake. 

Sa nalalabing mga araw, mas lalo pang dapat kapitan ang serye dahil sinisiguro nilang ikagugulat ng mga manonood ang mga pasabog nilang eksena. 

"We shot the tail end of the show and natuwa rin kami sa ending ng show. Expect fireworks, and we are going to give our best. I think it is going to surprise a lot of people,” sabi ni Richard. 

Mula noong inilunsad ang serye, labis na sinubaybayan ng manonood ang journey ni Apollo (Richard) kaya naman umabot na sa lampas 600,000 milyon views ang serye sa lahat ng social media platforms. 

Umani rin ng maraming papuri ang mga eksena at stars ng serye dahil sa pagpapalabas nito ng hitik na hitik na action scenes na pwedeng makipagsabayan sa ibang bansa at ang pagsulong nito ng women empowerment sa pagpapakita na kaya rin makipagsabayan ng kanilang mga babaeng karakter sa umaatikabong fight scenes. 

Sa nalalapit nitong pagtatapos, isang digmaan ang dapat abangan sa pagitan ng Tatsulok at Altare. 

Tunghayan din kung paano pipiliin ni Apollo ang mas ikabubuti ng marami habang pinipigilan ang kasamaan ni Eros. 

Abangan ang huling dalawang linggo ng "The Iron Heart," tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "'Batang Quiapo" sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.






Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin