Vince Tanada level up sa pagbuo ng sariling talent management; Sasabak pa sa zombie musical na 'Hero Z'


ni GLEN P. SIBONGA

Panibagong milestone at level up sa career at buhay ng award-winning actor at director na si Vince Tanada ang desisyon niyang bumuo ng sarili niyang pool of talents sa pamamagitan ng Vince Tanada Artists Management o VTAM.

Karamihan sa talents ng VTAM ay mula sa theater artists sa itinatag niyang Philippine Stagers Foundation sa pangunguna ni Johnrey Rivas, na nanalong Movie Supporting Actor of the Year para sa pelikulang "Katips" sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

"Marami kasi ang nangangailangan ng artists ngayon kaya naisip kong buuin ito. We are capitalizing not on the name but yung talents ng mga artist namin. All of them are triple threats meaning they can sing, they can dance, they can host, and syempre they can act. Yun ang maganda sa mga artist namin dito.

"I build this up kasi di ba I'm directing and producing films as well. Tapos kumukuha ako ng talent coordinator para kumuha ng talents. So, naisip ko bakit pa ako kukuha ng talent coordinator e may talents na ako dito sa PSF. Kasi minsan hirap na hirap ako na yung ibinibigay na talents sa akin ng talent coordinator na alam naman nating hindi ganun ka-talented yung iba.

"Sabi ko, I have my own talents na ang gagaling pero hindi ko kinukuha kasi nasa teatro sila. Kaya naisip ko na buuin ang VTAM at yung talents natin ang kukunin ko. So, yun ang ginagawa namin now," paliwanag ni Vince.

Idagdag pa rito na si Vince rin ang magma-manage sa movie career ng dalawang sikat na komedyante at celebrities na sina Donita Nose at Wacky Kiray.

"Nagkausap kami ni Donita at sabi ko sa kanya, gusto ko siyang i-produce at idirek sa isang movie. At pwede siguro na ang leading man niya at kapareha ay si Tekla," ani Vince.

Samantala, bukod sa pagtatag ng VTAM at matapos ang world tour ng "Katips," nakatakda namang sumabak muli sa entablado si Vince sa pamamagitan ng kauna-unahang zombie musical na "Hero Z," kung saan gaganap siya bilang bida na si Andy.

"Ito ang kauna-unahang Pinoy zombie musical na ipapalabas namin hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Tatakbo ito mula October 1, 2023 hanggang May 26, 2024. Makakasama ko rito ang VTAM at PSF talents," sabi pa ni Vince.

Vince with the talents of 
Vince Tanada Artists Management

Donita Nose & Vince Tanada

Vince with the cast of Hero Z


Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies