Bea Alonzo at Dennis Trillo "magical" ang muling pagsasama sa 'Love Before Sunrise' pagkatapos ng 20 taon
ni GLEN P. SIBONGA
Masayang-masaya sina Bea Alonzo at Dennis Trillo na pagkatapos ng dalawampung taon nang huli silang magkasama at magkatrabaho sa bakuran pa ng ABS-CBN noon ay reunited nga sila sa bagong Kapuso primetime teleseryeng pinagbibidahan nila, ang "Love Before Sunrise."
"I'm so happy na nagkasama ulit kami ni Dennis. I can trust him and I can feel na kahit magkalayo kami nang matagal na panahon talagang naging fan niya ako e in the sidelines. Like I would always cheer for him. I would always root for him on his different projects. And I've seen him grow as an actor. So, I feel lucky and honored to be working with him on this project," sabi ni Bea sa movie premiere at mediacon ng "Love Before Sunrise" na ginanap sa SM Megamall Cinema 2 kamakailan.
Ayon naman kay Dennis, "Ako naman sobrang magical yung pakiramdam para sa akin. Halos sabay kaming nagsimula noon sa ABS. Sabay kaming nagwo-workshop. Sabay kaming nagkaroon ng unang dance prod sa TV. Sabay kaming ni-launch. Tapos after 20 years gagawa ulit kami ng isang napakagandang proyekto. Feeling ko sobrang blessed ako and proud kasi hindi naman kahit sino nakakatrabaho ng isang Bea Alonzo. Kaya sobrang swerte ko na kasama ko ngayon yung sobrang gagaling na mga artista rito at syempre si Bea. Sobrang happy lang na nagkatrabaho kami ulit and eto yung perfect project para gawin namin."
Gagampanan nina Dennis at Bea ang mga karakter ng ex-lovers na sina Atom at Stella, na muling nagtagpo pero may kanya-kanya na silang asawa. Paano maaapektuhan nito ang kanilang mga buhay?
Kasama rin sa cast sina Andrea Torres, Sid Lucero, Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Isay Alvarez, Nadia Montenegro, Jackie Lou Blanco, Matet de Leon, Vaness del Moral, Vince Maristella, at Cheska Fausto.
Ang "Love Before Sunrise" ang latest collaboration project ng GMA Network at Viu.
Sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz, ang "Love Before Sunrise" ay mapapanood sa GMA Telebabad mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50pm, simula sa Setyembre 25. Maaari naman itong mapanood 48 hours in advance sa Viu Philippines simula sa Setyembre 23.
Comments
Post a Comment