VP Sara Duterte, dating Manila Mayor Isko Moreno, PH senators, local officials suportado ang Bakery Fair 2023


ni GLEN P. SIBONGA

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte Carpio ang government officials at iba pang personalidad na sumusuporta sa ginaganap na Bakery Fair 2023 sa World Trade Center sa Pasay City mula March 2 hanggang March 4, 2023.

Hindi man personal na nakadalo, nagpaabot naman ng pagbati si VP Sara sa kanyang ipinadalang video speech lalo na sa organizer ng Bakery Fair 2023 na Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na pinamumunuan ng Presidente nito na si Gerik Chua.

Sa kanyang speech, naniniwala si VP Sara na malaki ang maitutulong ng Bakery Fair sa lalo pang ikauunlad ng baking at food service industry.

"By opening avenues for networking, technology transfer and knowledge sharing, I am optimistic that this pro-active platform will elevate our local baking and food service industry," ayon sa bahagi ng speech ni VP Sara.

Dumalo naman sa event para pangunahan ang opening at ribbon-cutting ceremony sa World Trade Center nitong Huwebes, Marso 2, sina Senator Mark Villar, Sen. Koko Pimentel, dating Manila Mayor Isko Moreno, Manila Vice Mayor Yul Servo kasama si FCBAI President Gerik Chua at ang iba pang mga opisyal ng asosasyon.

Present din si Sen. Imee Marcos, na nagbigay-pugay sa local baking community.

Hindi man nakadalo, suportado rin nina Sen. Loren Legarda at Sen. Sherwin Gatchalian ang Bakery Fair 2023.

Nirepresenta naman sa event si Pasay City Mayor Imelda "Emi" Calixto-Rubiano ng kanyang Chief of Staff na si Peter Eric Pardo.

Ang Bakery Fair 2023 ay ang pagbabalik ng naturang FCBAI project matapos ang apat na taon dahil sa pandemya. Hudyat din ito ng muling pagsigla Philippine baking industry sa kabila ng inflation at iba pang economic crisis.

Tampok sa Bakery Fair 2023 ang may 136 exhibitors. Maaari ring matuto at magkaroon ng ideya para sa business opportunities sa pamamagitan ng educational technical seminars mula sa top bakery industry related companies, bakers, chefs, at experts.

Mayroon ding FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition 2023 na may temang "Kasalang Pinoy."

Itinanghal namang kampeon ang Lyceum of the Philippines sa ginanap na Angel Cup 2023 Bread Display Competition.

Ang FCBAI ay bahagi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.

Kung mahilig ka sa tinapay, cakes, cookies at iba pang baked products, punta ka na sa Bakery Fair 2023 sa World Trade Center sa Pasay City mula Marso 2 hanggang Marso 4 (10am-7pm).









Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin