Posts

Showing posts from October, 2025

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Image
ni GLEN P. SIBONGA PAGKATAPOS sumikat at makilala ni John Calub bilang nangungunang success coach sa Pilipinas, maging best-selling author ng Amazon International, at maging in demand motivational speaker, may bago siyang pinagkakaabalahan ngayon - ang biohacking. Si John ngayon ay isa nang matagumpay na biohacker, na marami nang natulungang mga maysakit na gumaling. At hindi lang ito mga simpleng sakit dahil bumuti ang kondisyon ng mga pasyenteng may cancer, diabetis, at iba pang sakit sa pamamagitan ng biohacking protocol na isinasagawa sa kanyang center. Kuwento nga ni John sa kanyang presscon na ginanap sa Madison 101 Hotel noong October 2, marami na ang sumubok at gumaling sa kanyang Biohacking Center. Tulad na lang ng isang breast cancer patient na lumiit ang bukol at tuluyang gumaling matapos ang ilang sessions sa Biohacking Center ni John. Mayroon pa raw isang matanda na noong dumating sa kanyang center ay ilang tao ang bumubuhat dahil hindi na nga makalakad. Pero matapos sum...