Joshua Garcia, Rhian Ramos "Hakot King & Queen" sa 37th Star Awards for Television

ni GLEN P. SIBONGA


MATAGUMPAY at maningning ang idinaos na 37th Star Awards for Television na ginanap nitong Linggo, Agosto 24, 2025 sa VS Hotel Convention Hotel sa Quezon City.
 
Handog ng Bingo Plus, pinarangalan at kinilala ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga natatanging bituin at iba’t ibang programa ng telebisyon na ipinalabas noong 2023, na naipagpaliban ng grupo dahil sa pandemya. 

Nanguna sa mga pinarangalan ng gabing iyon sina Joshua Garcia at Rhian Ramos, na tinaguriang "Hakot King & Queen" dahil bukod sa napanalunan nilang main awards na Best Drama Actor para kay Joshua at Best Drama Actress para kay Rhian ay pareho rin silang humakot ng dalawang special awards.

Si Joshua ang kinilalang Male Face of the Night at Male Celebrity of the Night. Habang si Rhian naman ang nanalong Bingo Plus Female TV Star of the Year (ang boyfriend niyang si Sam Verzosa ang nagwagi sa male) at Female Face of the Night.

Biruan pa sa mga nanood ng awards night ay Paldo King & Queen din ang dalawa dahil lahat ng nakuha nilang awards ay may kasamang cash prizes mula sa sponsors.

Nagwagi si Joshua bilang Best Drama Actor para sa “Unbreak My Heart,” habang si Rhian bilang Best Drama Actress para sa “Royal Blood.” Ang dalawang programa ay parehong ipinalabas sa GMA-7.

Pahayag ni Joshua nang tanggapin ang parangal, “Maraming-maraming salamat, una sa Panginoon, and to my family and friends, sa ABS-CBN, sa GMA, sa Star Magic, and of course sa nagtiwala sa akin at nagbigay sa akin ng role na ‘to, kay Sir Deo Endrinal. 
 
“Hindi ko ito matatanggap kung hindi dahil sa co-actors ko, so thank you kina Jodi (Sta. Maria), Gabbi (Garcia), Richard Yap … of course, sa aming director at writers. Ang award na ito ay para sa buong team ng ‘Unbreak My Heart.”
 
Pinasalamatan naman ni Rhian ang GMA 7, mga kasamahan sa “Royal Blood” at mga mahal sa buhay.
 
“I would like to dedicate this to my home network, GMA 7, to whom I have dedicated 19 years of my life, and I will continue to dedicate every good thing that comes to me. Thank you so much, GMA, for the trust in me.
 
“I also want to thank my boyfriend (Sam Verzosa) who always encourages me and makes me believe that I’m great and that I can do things,” sabi ni Rhian.
 
Humakot din ng awards ang GMA 7 sa pag-uwi ng pinakamaraming tropeyo, kabilang ang Best TV Station, Best Drama Anthology para sa  “Magpakailanman,” Best News Program para sa “24 Oras,” Best Magazine Show para sa “Kapuso Mo,Jessica Soho,” at iba pa.
 
Sa larangan ng pagganap, pinarangalan sina Alden Richards at Rochelle Pangilinan bilang Best Single Performances by an Actor and Actress, respectively, para sa “Magpakailanman." Best Drama Supporting Actor si Elijah Canlas para sa "Senior High" at Best Drama Supporting Actress si Cherry Pie Picache para sa "FPJ's Batang Quiapo."
 

LIFETIME HONORS and SPECIAL AWARDS:
 
Nagbigay-pugay ang PMPC sa apat na haligi ng Philippine Television sa paghahandog ng Ading Fernando Lifetime Achievement Awards.
 
Iginawad ito sa 92-year old veteran actress na si Caridad Sanchez (tinanggap ng anak nitong si Cathy Sanchez Babao, presented by Sylvia Sanchez), legendary host Ariel Ureta (presented by Boots Anson-Roa), dance icon Geleen Eugenio (presented by Maribeth Bichara), at TV executive Malou Choa Fagar (presented by Joey Marquez na kanyang alaga).  
 
Nagbalik-tanaw na tinanggap ni Angelique Lazo ang kanyang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award, presented by Bill Velasco.
 
Ang German Moreno Power Tandem Award ay iginawad sa popular loveteams na sina Barbie Forteza at David Licauco para sa “Maria Clara at Ibarra” at “Maging Sino Ka Man’) at kina Francine Diaz at Seth Fedelin (para sa “Dirty Linen”).
 
Narito ang opisyal na listahan ng mga nanalo sa 37thStar Awards for Television:
  
• Best TV Station -- GMA 7 
 
• Best Drama Actor – Joshua Garcia (Unbreak My Heart, GMA 7) 
 
• Best Drama Actress – Rhian Ramos (Royal Blood,GMA 7)
 
• Best Single Performance by an Actor – Alden Richards (Magpakailanman:  Sa Puso At Isipan, The Cantillana Family Story, GMA 7) 
 
• Best Single Performance by an Actress – Rochelle Pangilinan (Magpakailanman:  The Abused Teacher, GMA 7)
 
• Best Drama Supporting Actor – Elijah Canlas(Senior High, TV5, A2Z)
 
• Best Drama Supporting Actress – Cherry Pie Picache (FPJ's Batang Quiapo, TV5, A2Z) 
 
• Best Child Performer – Euwenn Mikael (The Write One, GMA 7)
 
• Best Drama Anthology – Magpakailanman (GMA 7)
 
• Best Primetime TV Series – Maria Clara At Ibarra (GMA 7)
• Best Daytime Drama Series -- Abot Kamay Na Pangarap (GMA 7)
 
• Best Mini Series -- Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (GMA 7)
 
• Best Comedy Show – Pepito Manaloto (GMA 7)
 
• Best Comedy Actor – Paolo Contis (Bubble Gang, GMA 7) 
 
• Best Comedy Actress – Chariz Solomon (Bubble Gang, GMA 7)
 
• Best Variety Show -- It's Showtime (GTV, A2Z)
 
• Best Male TV Host – Robi Domingo (ASAP Natin'To, TV5, A2Z) and Paolo Ballesteros (E.A.T.,TV5)
 
• Best Female TV Host – Kim Chiu (It’s Showtime,GTV, A2Z) 
 
• Best Documentary Program -- The Atom AraulloSpecials (GMA 7)
 
• Best Documentary Program Host -- Howie Severino, Atom Araullo, Mav Gonzales, Kara David, John Consulta, Sandra Aguinaldo (I-Witness, GMA 7)
 
• Best Magazine Show – Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA 7) 
 
• Best Magazine Show Host – Korina Sanchez (Rated Korina, TV5, GTV, A2Z)
 
• Best News Program -- 24 Oras (GMA 7)
 
• Best Male Newscaster – Joee Guilas (PTV News Tonight, PTV 4) 
 
• Best Female Newscaster – Karen Davila (TV Patrol
 
Best Game Show – Emojination (TV5)
 
• Best Game Show Host – Dingdong Dantes (Family Feud, GMA 7)
 
• Best Public Service Program – Wish Ko Lang (GMA 7)
 
• Best Public Service Program Host – EdinelCalvario (Healing Galing, GTV)
 
• Best Celebrity Talk Show – Fast Talk With Boy Abunda (GMA 7)
 
• Best Celebrity Talk Show Host – Boy Abunda (Fast Talk With Boy Abunda, GMA 7)
 
• Best Public Affairs Program – Cayetano In Action With Boy Abunda (GMA 7)
 
• Best Public Affairs Program Host – Boy Abunda, Pia Cayetano, Allan Peter Cayetano (Cayetano In Action With Boy Abunda, GMA 7)
 
• Best New Male TV Personality – John Clifford (Pepito Manaloto, GMA 7) 
 
• Best New Female TV Personality – Gela Atayde(Senior High, TV5, A2Z)
 
• Best Lifestyle/ Travel Show – Pinas Sarap (GTV)
 
• Best Lifestyle/ Travel Show Host – Kara David(Pinas Sarap, GTV)
 
• Best Morning Show – Unang Hirit (GMA 7)
 
• Best Morning Show Host -- Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Matteo Guidicelli, Shaira Diaz, Anjo Peritierra, CheskaFausto, Sean Lucas, Shuvee Etrata, JR Royol, Kaloy Tingkungko (Unang Hirit, GMA 7)
 
• Best Children’s Show – Talents Academy (IBC 13)
 
• Best Children’s Show Host -- Jace Fierre, Shiloh Isaiah Haresco, Jessica Marie Robinson, Mikayla Go, Candice Ayesha, Madisen Go, Anika Dominique Figueroa, Ysabelle Luisa Perez, Cara Bartolo (Talents Academy, IBC 13)
 
SPECIAL CITATIONS:
 
Ipinagkaloob ng BingoPlus ang Female TV Star of the Year kay Rhian Ramos, samantalang ang Male TV Star of the Year ay ibinigay kay Sam Versoza.  Ito ang unang pagkakataon na ang celebrity couple ay sabay na nakatanggap ng ganitong pagkilala sa isang showbiz industry event.
 
Napili sina Joshua Garcia at Rochelle Pangilinan bilang Male and Female Faces of the Night (mula sa Intele Builders and Development Corporation) at bilang Male and Female Celebrities of the Night (mula kay Jojo Mendrez) samantalang ang mga baguhang sina Gela Atayde at Larkin Castro ang tumanggap ng Timeless Smile Awards mula sa Smile 360 Dental Clinic.
 
Bilang karagdagan, nagbigay ang BingoPlus ng cash incentives na P50,000 each sa mga nanalong Best Drama Actor at Best Drama Actress.
 
Binigyan din ng PMPC ng Plaques of Appreciation sina Atty. Persida Acosta, Atty. Emelson Trojillo, Ms. Cecille Bravo, BingoPlus, VS Hotel Convention Center at Manila Mayor Isko Moreno.
 
Ang 37th Star Awards for Television ay myla sa direksyon ni Vivian Poblete Blancaflor at ang disenyon entablado ay pinangasiwaan ni Rico Ancheta. 

Ang napakagandang Red Carpet at Photo Wall ay sponsored ng BingoPlus.
 
“Ang aming mainit na pagbati sa lahat ng mga nagsipagwagi.  Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga naiuwi ninyong karangalan.  Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta,” lahad ni Mell T. Navarro, PMPC president.
Itinatag noong late 1960s, ang PMPC Star Awards, Inc. ay kinikilala bilang pioneer entertainment media organization sa Pilipinas, na ipinagpapatuloy ang 
tradisyon ng pag-oorganisa ng taunang Star Awards for Television, Movies, at Music.  

Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin