Joshua Garcia, Rhian Ramos "Hakot King & Queen" sa 37th Star Awards for Television

ni GLEN P. SIBONGA MATAGUMPAY at maningning ang idinaos na 37th Star Awards for Televisio n na ginanap nitong Linggo, Agosto 24, 2025 sa VS Hotel Convention Hotel sa Quezon City. Handog ng Bingo Plus , pinarangalan at kinilala ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga natatanging bituin at iba’t ibang programa ng telebisyon na ipinalabas noong 2023, na naipagpaliban ng grupo dahil sa pandemya. Nanguna sa mga pinarangalan ng gabing iyon sina Joshua Garcia at Rhian Ramos , na tinaguriang "Hakot King & Queen" dahil bukod sa napanalunan nilang main awards na Best Drama Actor para kay Joshua at Best Drama Actress para kay Rhian ay pareho rin silang humakot ng dalawang special awards. Si Joshua ang kinilalang Male Face of the Night at Male Celebrity of the Night. Habang si Rhian naman ang nanalong Bingo Plus Female TV Star of the Year (ang boyfriend niyang si Sam Verzosa ang nagwagi sa male) at Female Face of the Night. Biruan pa sa mga nanood ng awards night ay Paldo King & ...