Sue Ramirez thankful sa IdeaFirst sa pagbibigay ulit sa kanya ng kakaibang role sa "Flower Girl"

ni GLEN P. SIBONGA NAGPAPASALAMAT si Sue Ramirez dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng The IdeaFirst Company para sa isa na namang kakaiba at challenging role sa pelikulang " Flower Girl ." "Kung noon ako 'Ang Babaeng Allergic sa WiFi' (2018), dito sa 'Flower Girl' ako ang babaeng nawawala ang poochy! Kakaiba at challenging role ulit ang ibinigay sa akin ng IdeaFirst kaya I'm very thankful dahil lagi nila akong pinagkakatiwalaan to do something different. "Kaya naman hindi talaga ako nagdalawang-isip na tanggapin agad ang movie na ito. Thank you sa IdeaFirst, kina Direk Perci ( Intalan ), Direk Jun ( Robles Lana ), and of course, sa writer at direktor namin sa movie na si Direk Fatrick Tabada ," sabi ni Sue. Dahil nga nakatrabaho na niya noon ang team ng IdeaFirst kaya kampante na siya at tiwala na aalagaan siya sa mga eksena sa movie. "Alam ko kung gaano sila kaingat talaga sa akin kaya wala akong doubts in my mind when I accepted ...