Wilbert Tolentino at Ahon Mahirap Partylist pangmatagalang solusyon sa kahirapan ang handog sa mga Pilipino

ni GLEN P. SIBONGA


SERYOSO ang Ahon Mahirap Partylist sa pangunguna ng first nominee nito na si Wilbert Tolentino na pawiin ang kahirapan ng maraming Pilipino at maiparanas ang inaasam na kaginhawahan.

Kaya naman ang handog ni Wilbert at Ahon Mahirap ay pangmatagalang solusyon sa kahirapan at hindi pagbibigay ng isang beses na ayuda lamang.

Naniniwala kasi si Wilbert sa kasabihang - "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach him how to fish and you feed him for a lifetime."

"Oo nga nakakatulong ka sa pagbibigay ng ayuda sa mahihirap pero mas mapapawi mo ang kahirapan nila kung tutulungan mo silang magtrabaho o di kaya'y magkaroon ng sariling negosyo at pagkakakitaan na maaaring magsimula sa maliit hanggang sa lumago ito. Iyon ang layunin namin sa Ahon Mahirap ang magbigay ng karunungang pinansyal, pang-ekonomiyang pagpapaunlad, at katarungang panlipunan," sabi ni Wilbert.

Ang Ahon Mahirap Partylist na isang adbokasiyang grupo, ay buong pagmamalaking inihahayag ang kanilang misyon na labanan ang kahirapan at iangat ang buhay ng milyong-milyong Pilipino sa pamamagitan ng komprehensibong agenda at mga programang nakatuon sa katarungang panlipunan, karunungang pinansyal, at pang-ekonomiyang pagpapaunlad.

Ang Ahon Mahirap Partylist ay binubuo ng mga taong may puso para sa mga mahihirap sa pangunguna ng first nominee at tumatayong Chairman ng Ahon Mahirap na si Wilbert Tolentino. 

Si Wilbert ay isang kilalang pilantropo, negosyante, talent manager, at social media influencer, na matagal nang tumutulong sa mahihirap at nagbibigay serbisuo sa publiko kahit wala pa siya sa pulitika. Aktibo siyang sumusuporta sa iba't ibang charitable causes at naglalayong mag-empower ng mga disadvantaged communities at mga nasa laylayan. Nagawaran ng pinakamataas na parangal mula sa Rotary Club, ang Arch Klump Society at kinilala rin bilang isang matagumpay na businessman.

Kasama ni Wilbert ang iba pang nominees na sina Pateros City Mayor Ike Ponce, Erimar Ortigas, Kristine Caballero- Aplal (tumatayong Presidente ng Ahon Mahirap), Rico Almonicar, Angelo Zipagan, Marian Canillo, Noel Escondo, Mary Letim, at Melanie Cabalida. Tumatayo naman bilang campaign manager si Genesis Gallios.

Iba pang programa ng Ahon Mahirap:

Ahon Malasakit - naglalayong tugunan ang iba't ibang pangangailangan ng mga mahihirap na komunidad. Sa pamamagitan ng serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at pang-edukasyon, tinutulungan ng Ahon Mahirap ang mga pamilyang nangangailangan.

Ahon Bigas - layunin ng programang ito na masiguro na walang pamilyang Pilipino ang magugutom. Namamahagi sila ng bigas sa mga komunidad upang matiyak na may sapat na pagkain sa kanilang hapag.

Ahon Tindahan - tinutulungan nila ang mga maliliit na negosyante na mapalago ang kanilang negosyo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan at pagsasanay sa tamang pamamalakad sa negosyo, sinisiguro ng grupo na magtatagumpay ang mga tindahang ito.

Ahon Kababaihan - nagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan upang maiangat ang buhay nila. Kabilang dito ang mga pagsasanay, suporta sa negosyo, at iba pang inisyatiba na naglalayong bigyan ng boses at lakas ang mga kababaihan.

Bakit kailangan iboto ang Ahon Mahirap?
Ang Ahon Mahirap ay isang partlist na naglalayong magbigay ng tunay na serbisyo sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa at adbokasiya, itinataguyod nila ang kaginhawahan, pagkakapantay-pantay, at katarungan sa lipunan. Ang mga lider at miyembro ng Ahon Mahirap ay may malasakit at dedikasyon sa paglilingkod, na siyang dahilan kung bakit nararapat silang iboto ng bawat Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ahon Mahirap, bisitahin ang kanilang website - www.ahonmahirap.com , official Facebook at Tiktok page @ahonmahirappartylist , at Instagram page @ahonmahirap.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies